SA Saint's Alp, isang milk tea shop sa Regis Center sa Loyola Heights pumunta sina Reema at Nadine.

Pinapaikot ni Nadine ang straw sa inorder nitong white moustache matcha milk tea habang nagsasalita. "Sana hindi na lang siya 'yung sumagip sa akin nung hina-harass ako ni Gio that night. May iba namang sigurong tutulong sa 'kin. Hindi lang siya. Para hindi ako nagkakaganito. Masyado nang nahulog ang loob ko sa kanya, Reema. He made me fall in love with him so deeply..." Pinahiran agad ni Nadine ang mga pisngi niyang basa agad ng luha.

"Hindi 'yan love, Nadine. Infatuation ang tawag d'yan. And it's not healthy. So you need to stop it." Paalala ni Reema habang pinapanuod ang pag-iyak ng kaibigan niya.

"This isn't a stupid kid stuff kind of crush, Reema. Siguro nuong una. Pero after what had happened the past few days, I wouldn't call it just an infatuation. It's more deeper than that. And nu'ng nakita ko silang naghahalikan sa hallway ng school kanina, I can't handle it. It's too much for me I want to unsee it." Sumisip si Nadine ng milk tea nito para pakalmahin ang sarili.

Nilalaro ni Reema ng tinidor ang inorder na toast with condensed milk pero seryosong nakatingin sa kaibigan. "Nadine, wala ba talagang nangyari sa inyo ni Archie nung dinala ka niya sa bahay nila?"

Nagulat si Nadine sa tanong ni Reema. "W-what do you mean...?"

"You heard me. Tinatanong ko kung hindi ba kayo nag-sex ni Archie nung natulog ka sa kuwarto niya." Dineretsa na siya ni Reema.

"Hindi. Walang ganun na nangyari..." Atubili sa pagsagot si Nadine.

Saglit na tiningnan ni Reema ang mukha ni Nadine saka sinabing, "Nagsisinungaling ka na naman sa akin."

"I am not lying!" Napalakas ang boses ni Nadine. Napatingin ang ilang customers ng milk tea shop sa puwesto nila. Nahalata naman iyon ni Nadine at hininaan na ang boses nang muling magsalita. "We...that didn't happen."

Halatang diskumpiyado pa rin si Reema sa sinabi ni Nadine. Magsasalita sana ulit siya ng biglang tumunog ang phone niya na nakapatong sa tabi ng inorder niyang pagkain. Kaagad tiningnan ni Reema kung sino ang nag-text. Galing ang text sa ka-band member niyang si Garry.

Reems, my kumakalat dw n sex video c Archie. Nka-upload daw online. Bka mgpa-Bluetooth lng ng file 'yung drummer nting si Mikko sa kakila2 niya kc block ng Firewall sa skool network 'yung porn site. Kng maka2daan ka, bka maabutan mo 'yung panunuod nmin.

Agad kinabahan si Reema nang mabasa ang text. Tiningnan niya kaagad si Nadine na halos kalahati na ang sinisipsip na milk tea.

"Alis na tayo. Ipa-take out na lang natin 'to." Sabi ni Reema sa mga orders nilang hind pa naubos. "Pinababalik ako sa Music Club. May gagawin pa daw kami." Pagdadahilan niya.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon