NAG-SENT ulit ng message ang partner ni George na si Luke na nasa loob na siya sa isang French bistro sa Serendra, Bonifacio High Street para makapagpa-reserve ng seats sa kanila at peak hours na ng mga evening dining customers.

"Kausapin mong mabuti si Luke, ha? Medyo mahiyain kasi 'yun sa una. Hindi magsasalita pag 'di mo kakausapin. May pagka-introvert kase. Pero mabait naman." Bilin ni George sa pamangkin habang naglalakad sa Serendra papunta sa restaurant.

Nakangiting tumango naman si Nadine.

Pagkapasok nila sa bistro, nakangiting sinalubong sila ni Luke. Saglit na nag-smooch sina George at Luke. "Did you wait long?" Concerned na tanong ni George dito.

Nakangiting umiling si Luke. "Not much."

"Luke, I'd like you to meet my pretty niece, Nadine. And Nadine, meet my Luke." Pagpapakilala ni George sa dalawa.

"Happy to meet you, Nadine." Nakangiting bati ni Luke na nakipagkamay pa sa kanya.

"Same here." Nakangiting tugon ni Nadine.

Nang makaupo na sila biglang bumaling si Nadine sa George at mahinang bumulong. "Tito, nag-aartista ba 'yan? Parang nakita ko na siya sa isang commercial sa TV."

Hindi mapigilang matawa ni George. "Binulong mo pa sa akin. Nagtatagalog 'yang si Luke. And to answer your question, Luke is doing the whole nine yards. Commercial, print and ramp modelling. Have you also done any teleserye?" Baling na tanong ni George kay Luke.

"I've done bits and pieces of acting." Tugon ni Luke habang nagsasalin ng S. Pellegrino sparkling water sa crystal glass. "Like playing the bestfriend of the main actor or a bartender sa isang scene. Spoken a few lines here and there. But nothing serious. Hindi kase ako mahilig sa puyatan."

"By the way, Nadine. Luke is a mixed race because his dad is French-American and his mom is Filipino-Vietnamese who grew up in the US. Pero dahil 'yung nanay ng mother niya e Tagalog ang usapan, napasa din niya 'yung Tagalog speaking skills niya kay Luke." Pag-i-esplika ni George sa race ng partner.

"Part waray din. Dahil 'yung grandmum ko, marunong mag-waray." Sabay tingin kay Nadine. "Maupay nga nakilala kita, Nadine. Gusto mo nang kumaon?"

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon