IMPIT ang mga hikbi ni Nadine habang sakay siya ng kotse ni Charles. Si Charles naman halatang naiinis na rin sa pag-iyak ng katabi maliban pa sa naiinis din siya dahil nabulilyaso ang plano nilang mag-chill ni Nadine sa condo ng tito nito.

"Ano ba, Nadine? Kanina ka pa iyak ng iyak d'yan!" Naiinis nang sabi ni Charles habang nagmamaneho.

"Ano bang problema mo sa pag-iyak ko?" Inis nang sumagot si Nadine.

"Bullshit naman kasi! Ang ganda na sana ng plano natin eh!" Nahampas pa ni Charles ang manibela.

"'Yun lang ba pino-problema mo? Eh, di sa motel na lang tayo magpunta. Du'n natin inumin 'yung mga binili mong beers." Suhestiyon ni Nadine habang naiiyak.

"Hindi nga puwede!" Iritableng sabi ni Charles. "Credit card lang ang dala ko at si Mommy nagbabayad ng bills, pag nakita niya 'yung charge sa motel di ako titigilan sa kakatanong nu'n."

"E di sa bahay ng kabarkada mo na lang tayo magpunta." Suhestiyon ulit ni Nadine.

"Sira ka ba! Eh, di nalaman ni Monique..." Biglang tigil sa pagsasalita si Charles. Pero nadulas na siya at nabanggit na ang pangalan ng nobya niya ng hindi sinasadya.

Hindi napigilang mainis ni Nadine. "Cheater!"

"Eh ano namang tawag sa 'yo? Slut? Whore?" Ganti naman sa kanya ni Charles.

Sinimulang paghahampasin ni Nadine sa balikat at mukha si Charles. "Napakahayop mo, Charles! Napakagago mo!"

Sumiklab na rin ang galit ni Charles. "Alam mo, fuck this shit!" At lumalangitngit ang gulong ng kotse na ipinara ni Charles ang kotse sa tabi ng daan.

"Gaguhan lang pala ang alam mo eh! Bumaba ka na!" Sigaw sa kanya ni Charles.

Saglit napatingin sa paligid si Nadine. Nasa may C5 sila ngayon sa kalaliman ng gabi. Malayo pa sa poste ng ilaw sila nakatigil kaya madilim pero paminsan-minsan itong naliliwanagan ng headlights ng mga nagdaraang sasakyan. Pero wala kahit isa man lang na taong naglalakad.

"Hindi...ayoko." Naiiyak ulit na tanggi ni Nadine.

"Kakaladkarin kita palabas pag di ka pa bumaba!" Sigaw ulit ni Charles.

Nahalata ni Nadine na hindi simpleng pagbabanta kung hindi tototohanin ni Charles ang sinabi nito. Mabibigat ang mga kamay na kinalas niya ang seat belt at dahan-dahang bumaba ng sasakyan.

Pinaharurot pa ni Charles ang kotse nang makababa na si Nadine. Kabadong naglakad-lakad si Nadine. Medyo nakapante lang siya nang makarating siya sa tapat ng isang car dealership store dahil may kaunting liwanag na nanggagaling sa showroom kahit sarado na ang store.

Duon biglang tumunog ang cellphone niya. Si Tito George niya ang tumatawag.

"Nadine, umalis na ang Mama mo. Puwede na kayong tumuloy na dito ng kasama mo." Balita sa kanya ni George pagkasagot niya ng phone.

"Tito George..." Hindi na napigilan ni Nadine na mapaluha.

"O bakit? What happened?" Nag-aalalang tanong agad ni George.

"Nag-away kami ni Charles. Iniwan niya ako dito sa C5." Naiiyak na sumbong ni Nadine.

"That son of a bitch." Hindi napigilang mapamura ni George sa narinig. "Don't worry, Nadine. Pupuntahan ka namin ni Luke. Sa'n ka ba ngayon exactly?"

Tiningnan ni Nadine ang pangalan ng car dealership store. "Dito sa tapat ng Honda."

"Okay. Good. Puntahan ka namin d'yan. Now na. Keep your phone lines open. Huwag ka nang umalis d'yan." At binaba na ni George ang linya niya.

Humalukipkip na lang si Nadine habang hinihintay ang paparating na sundo. Kung titingala lang si Nadine ay may makikita niya ang ilaw ng mga kidlat na namumuo sa loob ng ulap na parang bombilyang maya't mayang binubukas-sara na sinusundan ng mahihinang kulog. Hudyat na may paparating na malakas na ulan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon