Sabi nila ang panaginip daw, incoherent. Walang consistency. Kung sakaling papanuorin mo raw ang panaginip ng isang tao halimbawa sa isang telebisyon (kung sakaling may ganoong teknolohiya na puwede mong mapanuod ang panaginip ng isang tao) ay malilito ka daw sa daloy ng mga pangyayari. Dahil ang isang eksena ng panaginip ay maaaring walang relasyon sa susunod na eksena. Pero sa mismong taong nananaginip, magkakatagni ang mga hindi magkakaparehong eksena. May sarili itong daloy na ang nanaginip lang mismo ang nakakaintindi. Para sa kanya may kabuluhan ang bawat eksena. May sense.

Tulad na lang ng kasalukuyang panaginip ni Archie. Tumatakbo siya sa pasilyo ng Unibersidad, hinahanap kung saan mahahagilap si Nadine para mayayaya ito sa laro ng team niya. Pero ang mga nakakasalubong niya sa pasilyo ay puro mga estudyante na walang mga mukha. Kapag may hihilahin siya para pagtanungan kung nasaan si Nadine ay papalisin lang nito ang kamay niya at itutuloy ulit ang paglalakad.

Sa isang nilikuang pasilyo ay may nakita si Archie na isang direksyong nakasulat sa dingding gamit ang pinturang kulay pula.

SA LIBRARY

Hindi pa ganoong kaayos ang pagkakasulat ng direksyon sa dingding. Kalat-kalat ang pintura at hindi magkakahanay ang mga letra na parang isang batang nagsisimula pa lang matutong magsulat ang gumawa ng direksyon sa dingding. Pero hindi na iyon pinansin ni Archie at agad na tinungo ang silid-aklatan.

Pagkapasok sa loob ng silid-aklatan, agad na nakanakaw ng pansin ni Archie ang napakaraming libro na mistulang nakalambitin sa ere sa kabuuan ng library. Pero nakita agad niya ang sadya, duon pa rin nakapuwesto si Nadine kung saan niya ito unang nakita nang imbitahan niya ito na manuod ng laro niya sa totoong mundo (pero ang kamalayan niya sa mundong ito ng panaginip ay ito pa lang ang unang pagkakataon na iimbitahan niya si Nadine at hindi pa nagaganap ang laro). Pero imbis na nakaupo lang si Nadine at nagbabasa ng libro ay nakatayo ito sa lamesa at masayang namimili ng babasahin sa mga librong nakalutang.

Ang napili nitong libro ay ang kaparehong librong nakita ni Archie na hawak ni Nadine sa totoong mundo. Ang nobela ni Joyce Carol Oates na The Gravedigger's Daughter. Pagkakuha ng libro ay sa kanya diretsong tumingin si Nadine nang nakangiti.

"Oo, Archie. Manunuod ako ng laban ng team mo."

Sasagot sana si Archie para magpasalamat nang biglang tumunog ang batingaw sa bandang likuran niya. Pagtingin ni Archie, nakita niya ang librarian na si Ms. Rhoda Capistrano sa likuran ng mesang kinapupuwestuhan nito at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya habang walang patid ang paghampas nito sa batingaw.

"Archibald Nuestre! Ipapa-ban na kita dito sa loob ng library! You're creating such a commotion!"

Hindi ang malakas na pagsigaw ni Ms. Capistrano ang siyang ikinatakot ni Archie kungdi ang hitsura ng librarian. Nakita niya na prominete na prominente ang mga ugat nito sa leeg at pisngi na parang mayroon itong masamang kaso ng varicose veins. Ang mga mata naman nito ay hindi ang normal na kulay brown kungdi matingkad na luntian na parang nanghiram ito ng mga mata sa mabangis na ahas. May malapot pang likido ng laway na tumutulo sa gilid ng bibig nito. Hindi matagalan tingnan ni Archie ang nakakatakot na anyo ngayon ni Ms. Capistrano.

At biglang tumawa nang napakalakas ni Ms. Capistrano na nakapagpahindig sa mga balahibo niya. Sa lakas ng pagtawa nito ay halos sakupin ng boses nito ang kabuuan ng silid-aklatan.

Nang huminto ito sa pagtawa ay tumingin ulit ito sa kanya at ngumisi. "Alis na. Magsasara na kami."

At parang hudyat ang sinabing iyon ni Ms. Capistrano dahil biglang nagliparan patungo sa kanya ang mga librong nakalutang at ubod ng lakas na nagbabagsakan sa kanya. Isinasagi naman ni Archie ang mga kamay at braso niya sa mukha para hindi siya duon tamaan. Walang tigil naman ang paglipad at pagbagsak ng mga libro sa kanya habang unti-unti siyang napapalakad paatras ng pinto.

Nang mapaupo siya sa labas ng pintuan ng library ay kaagad naglipat eksena at nakasalampak siya ngayon sa gitna ng basketball court ng Onesimus Arena at suot-suot na niya ang jersey uniform niya ng Falcon Crest. Pagtingin niya sa mga manunuod ay nakita niya kaagad si Nadine. Pero ang ikinagulat niya ay katabi nito si Giovanni Panganiban at parang hinahayaan pa niya ito na akbayan siya. Nang mapansin ni Nadine na nakatingin sa kanya si Archie ay kinabig nito si Gio at mapangahas itong hinalikan sa labi.

Kung hindi pa siya sinigawan ng coach nilang si Perry ay hindi pa niya mapapansin na gumulong na pala ang bola sa harap niya at kailangan na niyang makagawa ng puntos pabor sa team niya na saglit na nawala sa isip niya sa sobrang pagkagulat sa eksenang nasaksihan.

Agad naman niyang kinuha ang bola at idiribol habang lumalapit sa ring. Pero agad na humarang sa kanya ang isang miyembro ng Python Stag para dumipensa. Ang ikinagulat niya ay nakasuot ng maskarang werewolf ang dumidepensa sa kanya.

Nang sinubukan niyang umabante para makalapit sa ring, imbis na normal na depensa ang gawin ng naka-maskarang kalaban ay bigla na lang siya nitong sinuntok sa pisngi. Malakas ang pagkakasuntok sa kanya kaya nawalan na siya ng malay bago pa man bumagsak ang katawan niya sa sahig.

Nang magkamalay, napansin niyang nakahiga siya sa tabi ng isang napakagandang batis na napapalibutan ng iba't-ibang bulaklak. Mayroon pang bahaghari na ang kabilang dulo ng arko sa batis mismo huminto. Nagkalat din sa paligid ang iba't-ibang kulay ng mga paru-paro at iba't-ibang klase ng ibon naman ang panay na lumilipad sa ibabaw ng batis.

Pero ang nakatawag talaga ng pansin niya ay ang napakalaking rosas sa harapan niya. Iyong tipo ng laki na aakalain mo na isang maliit na puno imbis na isang bulaklak ang nakikita niya. Nakatiklop ang mga talulot ng rosas pero unti-unti na iyong bumubukas. Nakaramdam ng kaba si Archie nang mapansin niyang may kung anong kumikilos sa pinakaloob ng rosas. Pero agad nabawasan ang pangamba niya nang makita niyang tao ang nasa loob ng rosas. Unti-unti ang pagbukadkad ng mga talulot kaya hindi pa niya agad makita kung sino ang tao sa loob ng bulaklak. Pero base sa mga parte ng katawan na sumisilip sa gitna ng mga talulot alam niyang babae ang nasa loob ng bulaklak.

Isang istoryang pambata...

(Thumbelina)

...ang biglang sumagi sa isip niya pero hindi niya makuha nang eksakto ang titulo. Pero hindi na naituloy ni Archie ang pag-iisip sa titulo nang mapansin walang saplot ang babaing nasa loob ng bulaklak. At nanumbalik ulit ang kaba sa katawan niya, kabang may halong pagnanasa, nang makita niyang si Nadine ang nasa loob ng bulaklak. Bahagyang tumungo pa ang rosas para malayang makahulagpos si Nadine sa bulaklak at maayos na makatayo. Nakangiti agad sa kanya si Nadine matapos makaalis sa bulaklak at ni hindi man lang nito sinubukang takpan ang kaselanan nito gamit ang mga kamay. Si Archie naman parang nabatu-balaning hindi maalis ang tingin sa mukha at katawan ni Nadine.

"Archie..." Malamyos ang tinig na sabi ni Nadine habang dahan-dahan lumalapit sa kanya.

Napatikhim lang si Archie. Parang hindi niya magawang magsalita. Pero sa loob niya, halos magrigodon na ang halu-halong emosyon at sensasyon na nararamdaman.

Kinuha ni Nadine ang kanang kamay ni Archie at inilapit ito sa kaliwang dibdib niya. Napapikit naman si Nadine nang lumapat ang mga kamay ni Archie sa kaumbukan ng kanyang dibdib.

"Make love to me..." Halos paanas na sabi ni Nadine.

At duon na napatid ang lahat ng pagtitimpi ni Archie. Kaagad niyang niyapos si Nadine at maalab na hinalikan ang mga labi nito. Tinugon ni Nadine ang init ng pagnanasa ni Archie. Naging mapaglaro ang kanilang mga dila. Sinimulang hubaran ni Nadine ang kasuotan ni Archie habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Ngunit marahas ang paraan ng paghuhubad ni Nadine. Sa kagustuhang makaniig ang kabuuan ng katawan ni Archie, hiniklas at sinira nito ang suot na baro at pantalon ng kasiping.

Pakiramdam ni Archie ay mawawala na siya sa sariling bait nang maglapat na ang buong kahubaran ng kanilang katawan. Lalo na nang kinubabaw na niya ang kaulayaw at pumasok na siya sa kaibuturan nito. At habang sabay nilang inaakyat ang rurok ng sarap ng pagniniig ay isa-isang pumuputok ang mga bulaklak na nasa paligid nila. Nang pareho silang makarating at mapasigaw sa luwalhating dulot ng kanilang pagsasamang-katawan, ang huling bulaklak na pumutok ay ang higanteng rosas na pinaglabasan ni Nadine, simbolo ng pagtatapos ng kanilang pagsisiping. At doon...

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon