HALATA ang pagkamangha ni Nadine habang naglalakad sila sa hallway pa lang ng publishing house na pinapasukan ng kanyang Tito George.
Iniwan saglit ni George si Nadine sa kulumpon ng workstations ng editorial team at nilapitan ang puwesto ng art director na si Roy na mabusising tinitingnan upcoming cover layout ng Elite Magazine for next month.
"Roy, nakita mo ba si Sukie?" Ang resident fashion director at stylist ng magazine ang tinutukoy ni George. Close friend kasi ito ni Roy kaya ito agad ang nilapitan ni George.
"Nagpunta lang sa pantry. Nilagyan ng mainit na tubig yung baon niyang cup noodles." Sagot naman ni Roy.
"Cup noodles na naman? Masasakal ko na ang babaing 'yan eh. Sinabihan ko na 'yan na huwag araw-arawin ang pagkain ng instant noodles at baka bumalik na naman ang stomachache episodes niya." Napailing na lang si George.
Saktong dumating si Sukie at papunta sa sariling opisina nang makita siya ni George. Nang makita ni Sukie na naglalakad palapit sa kanya si George ay tinago niya sa likod ang cup noodles na hawak.
"Tinago mo pa eh nakita ko na." Tinaasan pa siya ng kilay ni George.
"Sorry na, Gee. Triny ko lang 'yung bagong spicy shrimp flavor ng favorite noodle brand ko. Last na 'to." Tinawag pa ni Sukie sa pet name si George para humupa ang inis ng kanyang editor-in-chief.
Nag-roll na lang ng mga mata niya si George. "Anyway, Sukie. Du'n tayo sa loob ng opisina ko mag-usap. May ipa-project ako sa 'yo."
"O, sige." At hindi na nag-pretend na kumain ng noodles si Sukie gamit ang sarili niyang chopsticks habang tinutungo ang opisina ni George.
Napansin ni George na wala sa tabi niya si Nadine at nakita niyang nakatayo ito sa gitna ng mga cubicles ng mga staff ng magazine. Tila pinag-aaralan ang mga kasuotan ang galaw ng mga naroroon. Lalo na ng mga babaing staff.
Napansin naman ni Nadine na nakatingin na sa kanya si George at sumesenyas na lumapit na siya dito.
"Ang gaganda naman ng mga damit nila, Tito." Sabi ni Nadine nang makalapit kay George.
"Ikaw rin. Magsusuot ka na rin ng mga tulad n'yan. Baka mahigitan mo pa sila." Nakangiting sabi ni George na inakbayan pa ang pamangkin habang patungo sila sa opisina nito.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...