Napagalitan si Archie nang inang si Celine nang malaman nito ang naging pag-aaway nila ni Cyndi. Narinig pala nito ang pagsisigawan nilang dalawa sa kuwarto niya (nawala sa isip ni Archie na wala pala siya sa sarili niyang condo kaya walang matatawag na privacy) at napansin pa nitong namumugto ang mga mata ni Cyndi nang dali-daling magpaalam sa kanya.

Pero hindi naman siya kinumpronta agad ng ina matapos ang pag-aaway nila ni Cyndi. Pinalipas muna ito ang magdamag. Alam din kasi nito na upset din siya. Pero pagkagising na pagkagising kinabukasan, ang pinang-almusal niya ay pangaral at panunundot ng ina sa naging away nila ni Cyndi.

"Its not that I'm meddling with your business, Archie, but Cyndi is such a sweetheart for you to treat her that way. She deserves more than that." Simulang pasakalye sa kanya ng ina habang nasa dining table sila.

Hindi na tuloy magawang kainin ni Archie ang oatmeal na prinepara niya na nilagyan pa naman niya ng mga slices ng strawberries. Hindi niya maiwasang hindi mainis sa ina. Hindi pa muna siya pinatapos mag-almusal bago siya nito kumprontahin. Pero inaasahan na naman niya na mangyayari ito pag nagkaharap na sila ng ina.

"Siya naman itong naging inconsiderate, Ma. She knows I don't like to be around with her dog, pero dinala pa rin niya. Sa loob pa ng kuwarto ko. Saka hindi pa ba obvious sa kanya na hindi pa ako fully recovered. She should have known that." Paliwanag naman ni Archie sa side niya.

"Nevertheless, I still think that you should say sorry to her." Ayaw namang magpatalo ng ina niya sa pakikipagdiskusyon. "Ikaw itong nagpaiyak sa kanya. Be a gentleman."

Nagkibit-balikat na lang si Archie at itinuloy na lang ang pagkain ng oatmeal. Si Celine naman ay tahimik na rin habang kinakain ang baguette slices na pinahiran niya ng pesto spread. Kahit naman hindi siya sinabihan ng ina, plano na rin naman niyang humingi ng sorry kay Cyndi. Na-realized niya iyon kagabi habang pinapanuod niya ang paglilinis ng katulong niya sa dingding ng kuwarto niya kung saan niya ibinato ang dessert coffee. Naging marahas nga siya sa naging pagtatalo nila ni Cyndi. Imbis kasi na matuwa siya sa pagdalaw ng girlfriend, parang lumalabas pa na nuisance ang naging pagpunta nito.

Hindi niya maiwasang mangiti. May naisip na kasi siyang paraan kung paano hihingi ng tawad kay Cyndi. Napansin naman agad iyon ni Celine.

"Are you cooking up something naughty today that you might wanna share?" Usisa agad ni Celine.

Tuluyan nang napangiti nang maluwang si Archie. Kitang-kita ang mapuputi at perpektong pares ng mga ngipin. "It could be naughty, Ma, but I'm not gonna share it with you."

Napatawa naman ng malakas si Celine sa isinagot ni Archie. All is well that ends well, ika nga.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon