MATINING ang tunog ng mga gulong ng tumigil ang kotse sa tapat ng bahay nina Nadine. Pero parang ayaw pang bumaba ng sasakyan ng dalaga at hayagan nang nakaharap kay Archie kahit tuloy-tuloy na daloy ng luha sa mga mata. Pero ayaw pa rin siyang tingnan ni Archie.

"Bumaba ka na, Nadine. Nagmamadali ako." Matigas ang tinig na utos ni Archie sa kanya.

Walang nagawa si Nadine kung hindi buksan ang pintuan sa gawi niya at bumaba ng sasakyan.

Pagkababa ng kotse, kaagad sinilip ni Nadine si Archie sa sasakyan. "Archie, sa Monday magkita ulit..."

Hindi na natapos ni Nadine ang sasabihin dahil mabilis na pinaandar ni Archie palayo ang sasakyan.

Tutop ang bibig. Napahagulgol na ng iyak si Nadine. Sadyang dinaya siya ng kapalaran. Kanina lang, ang saya-saya niya. Kapiling buong magdamag ang lalaking bukod niyang itinatanggi. Pero naglaho ang lahat sa isang iglap lamang. Nagtatakbo siyang pumasok sa maliit na hardin ng kanilang bahay.

Natigilan lang si Nadine sa pagtakbo nang mapansin niya ang Mama niyang si Mildred katulong ng isa nilang kasambahay sa pagpapalit ng paso sa isa sa inaalagang nitong wild roses. Nakita na rin siya ng ina. Tiningnan siya ng masama saka binalingan nito ang katulong. "Ikaw na muna ang magtuloy nito, Zeny. Kakausapin ko lang yung anak ko na kakauwi lang."

Lumapit si Mildred kay Nadine. Sinipat ang suot nito. Marahil napansin na iba ang suot na damit ng anak nung nagpaalam itong umalis sa kanya kahapon sa suot-suot nito ngayon.

"Sa loob na tayo ng bahay mag-usap." At hindi na hinintay na makasagot si Nadine na tumalikod si Mildred.

Mabibigat ang mga hakbang na sumunod si Nadine sa ina.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon