BINABAGTAS na ngayon nina Nadine at Gerard ang kahabaan ng Katipunan sakay ng kotse ng lalaki. Panay pa ang dighay ng lalaki habang nagmamaneho.
Napansin ni Gerard na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya si Nadine at nakasimangot pa. "Uy, Nadine! Naiinis ka ba sa pag-burp ko? Sorry, ha? Ang dami kasing gas na lumalabas eh." Hinimas pa ni Gerard ang tiyan.
"Hindi naman ako du'n naiinis. Actually, cute mo nga pag nagbu-burp ka." Sabi naman ni Nadine.
"Eh, bakit ka nakasimangot dyan?" Saglit pa na sinilip ni Gerard ang mukha ng katabi bago binalik ang tingin sa daan.
Dumaan ang ilang saglit bago sumagot si Nadine. "Ayaw ko pa kasing umuwi."
"What do you have in mind?" Tanong ni Gerard na nakatuon pa rin ang tingin sa manibela.
Kunwari pang nag-isip si Nadine saka idinantay nito ang isang kamay sa hita ng nagmamanehong lalaki saka ito dahan-dahang naglakbay papunta sa naka-umbok sa pagitan ng mga hita nito.
"Uy!" Nagulat si Gerard at awtomatikong iniwas ang mga hita niya sa mapaglarong kamay ni Nadine. "Aggressive ka pala, ha?"
Natawa naman si Nadine at kunwaring mahinhin na tinakpan pa nito ng kamay ang bibig. "Ayaw mo ba?"
"Wala naman kasing malapit na motel dito." Parang nanghihinayang na sabi ni Gerard.
"Gerard, hindi mo naman ako kailangang dalhin sa motel. Hindi naman ako mapili eh." Tila nanghahamong sabi ni Nadine.
Napatingin si Gerard sa katabi. Nakipaglabanan naman ng tingin si Nadine.
Ang sumunod na eksena ay humihinto na ang kotse ni Gerard sa parteng madilim at maraming malalagong puno sa UP Sunken Garden. Nag-spray pa muna ng breath freshener si Gerard bago hinarap si Nadine.
"Okay lang ba dito?" Parang alanganin pang tanong ni Gerard sa katabi.
"Narinig mo ba akong nagrereklamo?" Nakangiting sabi naman ni Nadine saka inililis ang strap ng suot na black satin dress. Sinadya ni Nadine na hindi magsuot ng bra kaya kaagad na bumungad kay Gerard ang nang-aanyayang mga dibdib ng babae.
Kaagad na tinablan si Gerard at sinibasib ng halik ang magkabilang dibdib ni Nadine. Impit na napaungol si Nadine.
"Halikan mo muna ako." Malambing na utos ni Nadine habang inaangat ng mga kamay niya ang mukha ni Gerard mula sa mga dibdib niya.
Nagpa-unlak naman ang lalaki at marubdub silang naghalikan. Si Nadine pa ang kusang nagpasok ng dila niya sa bibig ng kahalikan at nakipaglabanan na rin si Gerard sa nang-aanyayang dila ni Nadine.
Sinimulang na ring tanggalin ni Nadine ang mga butones ng suot na polo ng lalaki.
Dahil sa magaslaw nilang pagkilos sa loob ng sasakyan, hindi nila napansin na lumalakas na rin ang pagyugyog ng kotse kahit nakahimpil ito. Napansin tuloy ito ng isang nagpapatrolyang guwardiya na agad na lumapit sa umuugang kotse.
Dahil masyado silang abala sa paghuhubad sa kasuotan ng isa't isa at pagpapainit sa kapuwa kapareha, sobra silang nagulat ng buksan ng guard ang hawak nitong flashlight at ilawan ang loob ng kanilang sasakyan. Napasigaw pa si Nadine nang tumapat ang ilaw sa kanila.
"Ay! Mukhang nabitin si Ma'am." Nakangising sabi ng guwardiya habang tinututok ang ilaw ng flashlight sa napapahiyang mukha ni Nadine.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...