NAGING busy sa kani-kaniyang buhay ang mga tauhan sa ating kuwento sa nakalipas na ilang araw matapos ang mga insidenteng kinasangkutan nila. Si Cyndi ang lalong pagpapaganda ng seksing katawan ang inatupag. Laging laman ng Gold's Gym ang babae. Madalas treadmill or spin bike ang ginagamit ni Cyndi pag nasa gym pero isang araw naisipan niyang gamitin ang rowing machine. Dahil first time, awkward na awkward ang feeling niya at hindi sigurado kung tama ba ang ginagawang paggamit sa equipment.

Nakita siya ng isang gym fit na foreigner na nakapuwesto malapit sa kanya habang gumagamit ng elliptical machine. Itinigil nito ang ginagawa at nakangiting lumapit kay Cyndi.

"You need some help?" May pagka-British ang accent ng lalaking tinanong siya.

Napapahiyang tumango si Cyndi. "Yeah. I don't know if I'm doing the position right."

Kaagad naman siyang tinuruan ng lalaki. Nang makuha na ni Cyndi ang tamang rhythm sa ginagawang exercise ay di inaasahang inalok ng lalaki ang kamay niya para magpakilala. "I'm Shaun Huggins. You?"

"Cyndi Romero." Tugon ng dalaga habang nakikipag-shake hands kay Shaun.

"If you want, after we're done here, we could have some coffee at the Starbucks downstairs." Paanyaya ng lalaki.

"Sounds good." Nakangiting tugon ni Cyndi.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon