PAGKATAPOS kumain, lumabas agad ng bistro sina George, Nadine at Luke at naglakad patungo sa basement parking ng Serendra.

"Did you enjoy our dinner?" Tanong ni George.

"Very much. Especially the escargot." Nakangiting tugon ni Nadine.

"Funny thing, nung una kong mag-try ng escargot, d'yan din sa Cuillere, I don't know how to use the thongs. Biglang tumalsik. Nag-landing du'n sa French onion soup na ise-serve sana ng waiter sa isang guest. Halos lumubog ako sa inuupuan ko." Natatawang kuwento ni George.

"Luke, ikaw naman ang mag-drive." Sabi ni George sa ka-partner sabay hagis ng susi nito na nasalo naman agad ni Luke at pumuwesto sa driver's seat.

"Nadine, hindi na kami dadaan ng condo. Pupunta na kami kaagad sa Luxure event sa NBC Tent. Nagsabi kasi ako sa friend kong si Tyke, the owner of the perfume brand, that I'll be there early. Kakausapin ko na rin 'yung magazine crew ko. Join ka na lang muna sa amin, ha?" Sabi ni George habang kinakabit ang seat belt sa passenger seat.

Nag-alala naman si Nadine na naka-back ride. "Tito, hindi naman ako kasama sa list ng imbitado. Nakakahiya sa organizer ng event."

Nilingon ni George si Nadine mula sa passenger seat. "Ako pa ba? Kaibigan ko din si Cheena ng Leo Burnett, she's from the ad agency handling the event. Maisisingit kita sa table namin ng walang problema."

"The only thing you need to worry about is how you'll consume a bunch of hors d'oeuvres they'll be serving later." Nakangiting sabi ni Luke habang ini-start ang sasakyan.

"Excited ako du'n." Nahataw pa ni George si Luke sa balikat. "And also the countless booze."

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon