PAGKAPASOK nina Gio at Nadine sa condo unit ng lalaki kaagad na inimis ni Gio ang mga nagkalat niyang damit sa salas.
"Pasensiya ka na, ha? Makalat talaga ako sa mga gamit eh." Parang nahihiyang sabi ni Gio habang inilalagay sa plastic na basket ang mga damit.
Napansin ni Nadine ang Persian cat ni Gio na si Opal na prenteng nakapuwesto sa bean bag chair. Galit na umuungol itong habang nakatingin sa kanya. Nang humakbang si Nadine palapit sa pusa biglang inilabas ni Opal ang matatalim na ngipin, sumitsit saka tumalon mula sa bean bag chair at tumakbo palayo.
"'Wag mong pansinin si Opal, 'yung pusa ko. Ganyan talaga 'yan, sumpungin." Nakangiting sabi ni Gio kay Nadine habang hawak ang hamper na puno ng mga damit.
Nabaling ang tingin ni Nadine kay Gio at sa lalagyan ng damit na hawak nito. Walang pasabi na pinalis ni Nadine ang hawak na hamper ni Gio, kumalat muli ang laman nitong mga damit sa sahig. Agresibo hinalikan ni Nadine ang lalaki, mapaangkin. Halos hindi makasunod si Gio sa bilis ng mga pangyayari.
Hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi, dinala ni Gio si Nadine papunta sa kuwarto nito. Nang makarating sila malapit sa kama, marahas na tinulak ni Nadine ang lalaki at pahigang natumba si Gio sa kama, tanggal na ang lahat ng butones sa polong suot nito at nakababa na rin ang zipper ng kanyang jeans.
Hihilahin sana ni Gio si Nadine sa tabi niya sa kama pero lumayo agad si Nadine.
"May surprise ako sa 'yo." Nang-aakit ang ngiting sabi ni Nadine. "Pero sandali lang, ha?" Hindi na hinintay ni Nadine na makasagot si Gio at lumabas na siya ng kuwarto.
Tuluyan nang hinubad ni Nadine ang suot habang naglalakad pabalik sa salas maliban sa kanyang ang laced panty at beaded sandal shoes. Kinuha niya ang paper bag na naiwan sa sofa at isa-isang inilabas ang mga binili niya sa sex toys shop. Habang sinusuot niya ang see through na camisole nadako ang tingin niya sa pusang si Opal na nakapuwestong muli sa bean bag chair at titig na titig sa kanya habang galit na umuungol.
Hindi na lang ito pinansin ni Nadine. Binilisan niya ang pagbibihis. Sinuot muna niya ang satin mask na katerno ng camisole saka kiinuha ang paper bag na pinaglalagyan ng mga sex toy fetishes at nagmamadaling bumalik sa kuwarto ni Gio.
Hinubad na nang tuluyan ni Gio ang suot na polo at pantalon. Nang pumasok ulit si Nadine sa kuwarto, nakita niyang naka-boxer briefs na lang ang lalaki. Natuwa si Gio nang makita ang sexy outfit ni Nadine pero nang ilabas na ng babae ang bondage rope, anodized cuffs at flogger whip ay nabantilawan agad ang kasiyahan niya.
"Kailangan ba nating gamitin 'yan?" Nag-aalalang tanong ni Gio.
"Masaya ito, Gio. Nakaka-excite." Sensuwal ang pakakangiti ni Nadine habang lumalapit sa tabi ng lalaki sa hinihigaang kama.
"Parang ayoko na 'ata." Nag-aalangan nang tanggi ng lalaki.
Kaagad namang kumilos si Nadine. Binitawan niya saglit ang mga fetish toys na hawak at niyapos si Gio, siniil ng halik sa labi. Nawalan ng lakas tumanggi si Gio sa lakas ng karisma ni Nadine. Napahiga siyang uli sa kama habang nakaibabaw sa kanya si Nadine.
"Gawin na natin 'to, Gio, please? Mas enjoy ako sa sex pag may kasamang ganito." Lambing na pamimilit ni Nadine habang patuloy na hinahalikan si Gio. Parang nahihipnotismo na wala na hindi na nakatanggi si Gio. Marahan itong tumango.
Pinasadahan pa ni Nadine ng dila niya ang labi ng lalaki para lalo itong ma-excite. Una munang ikinabit ni Nadine ang mga cuffs sa magkabilang kamay ni Gio sa may frame ng headboard ng kama. Pagkatapos ay itnali nito ang bondage rope dalawang binti ng lalaki. Huli niyang isinuot kay Gio ang blindfold mask.
Sumeryoso ang mukha ni Nadine nang hindi na siya nakikita ni Gio. "Ready ka na ba sa confession mo, Gio?"
"Confession? Ano'ng sinasabi mo dyan?" Kaagad kinabahan si Gio sa sinabi ni Nadine.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...