MARAMI nang tao sa venue nang dumating sina George. Dahil likas ang pagka-prattler, hindi pirmihan lang nakaupo si George, kung saan-saan ito naglalakad at kung sinu-sino ang binabati at binebeso. Syempre pa, kasunod nito palagi si Luke.

Kaya palaging naiiwan sa table nila si Nadine. Pero hindi naman nito alintana na mag-isa lang siya sa table. Natutuwa siyang kainin ang mga bite-sized appetizers na isine-serve at panay sipsip din niya ng Moscato d'Asti. Tulad ngayon, nang el punto magsimula ang launch, kasalukuyang niyang kinakain ang naka-serve na bruschetta na may lardo at gremolata habang umiinom siya ng dessert wine.

Dahil sexy and sophisticated lifestyle ang pino-promote ng Luxure brand ni Tyke Cruz, kita ito sa svelte engineering ng perfume bottle nito for both men and women. Naka-flash pa sa malaking screen sa likod ng stage ang magandang mga shots ng perfume. Sa gilid ng stage, naka-display sa isang mahabang mesa ang mga perfumes ng Luxure brand ni Tyke Cruz para maenganyong mag-try at bumili ang mga imbitadong bisita.

Nakipag-partner pa si Tyke Cruz sa isang fast-rising na designer para irampa ang mga sleek and sexy outfits both for men and women habang pino-promote ang brand ng kanyang pabango.

Nang i-announced ng emcee na ipapakita na ang upcoming collection ng designer, namangha si Nadine sa mga modelong lumabas. Puro mga sexy at hindi natatakot magpakita ng skin ang mga babae. Ang mga lalaki, confident ipakita ang well-sculptured nilang mga katawan at abs. Lahat ng mga modelo ay hawak ang perfume bottle na iniendorso at sensual na ini-spray sa sarili ang pabango pag nakalapit sa edge ng stage.

Naisip tuloy ni Nadine na gusto rin niyang maging kasing-sexy at sophisticated tulad nila.

Malapit ang table na kinapupuwestuhan ni Nadine sa stage. May isang lalaking well-tanned at well-muscled pero bata pa na nakasuot lang ng tailored black jeans. Nang mapatingin ito kay Nadine ay kinidatan siya nito.

Tumingin pa sa likuran si Nadine para masiguro kung siya nga ang kinindatan ng lalaki. Pagbalik ng tingin niya dito, nakatawa na sa kanya ang lalaki.

May ilang mga babaing modelo sa katabing table din ni Nadine at sexy rin ang mga damit ang napatingin tuloy sa dalaga.

"What's with that girl? She doesn't look remarkable and very plain looking. Look at her dress?" Sabi ng modelong naka-backless at high cut gown.

"She reminds me of how my lola usually looks." Sabi naman ng isang modelong naka-cowboy hat at glittery na boots. Saka nagtawanan sila ng mga kasamang modelo.

Napapahiya sa sarili na napayuko si Nadine. Na-conscious agad sa suot.

Napansin ito ni George habang kausap ang reporter ng isang TV network. Nag-excuse ito at lumapit agad sa puwesto ni Nadine.

"Isadora, does my niece's outfit bother you so much that you have to broadcast it to your circle of friends?" Mataray na tanong ni George sa modelong naka-backless na gown.

"Ohmigod!" Eksaheradong tinakpan pa ng modelong tinawag ni George na Isadora ng dalawang kamay ang bibig. "I didn't know she's with you, George." Binalingan ni Isadora si Nadine. "Forgive my tactless remark."

Hindi alam ni Nadine kung ano ang isasagot at tumingin na lang kay George.

"If I hear another snide comment from you, honey, I'll cancel your cover shoot for Elite scheduled next week." Ang magazine kung saan siya ang editor-in-chief ang tinutukoy ni George.

Umaktong sini-zipper ni Isadora ang sariling bibig at tinuloy na lang ang kuwentuhan ng mga kasama niya sa mesa.

Napabuntong-hininga na lang ng malalim si George. "How are you, sweetie?" Concerned na tanong nito sa pamangkin.

"A little tired and sleepy." Honest na sagot ni Nadine.

"Don't worry. Tapusin ko na lang 'yung interview ko with the TV network and then I'll ask Luke to take us home. Anyway, patapos na naman ang event." Esplika ni George.

"Okay lang, Tito George." Nakangiting sabi ni Nadine na medyo mapungay na ang mga mata.

"Saka stop ka na sa paginom ng Moscato. Umorder ka na lang ng Coke sa server." Habilin ni George habang naglalakad pabalik sa TV reporter na nagi-interview sa kanya kanina.

Pagtingin ni Nadine ulit sa stage, nakita niyang nakatingin ulit sa kanya ang lalaking naka-tailored black jeans. Tumango ito bilang pagbati saka ngumiti.

Imbis na mahiya, gumanti na rin ng ngiti dito si Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon