FOCUS si Cyndi na nakaliyad sa billiard table habang nakatutok ang cue stick sa cue ball niya. Nang itira na niya ang hawak na cue stick sa cue ball, saktong tumama ito sa red ball at tuloy-tuloy na nahulog sa corner pocket.
Sa sobrang tuwa at nakakuha siya ng puntos, itinaas pa ni Cyndi ang dalawang kamay at sumigaw. "Wohoo!"
"You're one sassy lady, Cyndi." Sabi ni Shaun habang umiinom ng serbesa na nasa bote. Ang sariling niyang cue stick ay nakahilig sa balikat niya.
Nasa loob ng sports bar ang dalawa. Puno ng Makati crowd, yuppies at foreigners ang bar. Karamihan ay nakaupo at nanunuod telecast ng rugby sa malaking plasma TV sa dingding. Pero marami ring gaya nina Cyndi na naglalaro ng billiards habang umiinom.
"Told you I'm good at this." Nang-aakit na nginitian ni Cyndi ang lalaki habang nilalaro ng kamay ang hawak na cue stick.
Tumalab naman kay Shaun ang pang-aakit ni Cyndi. "I never doubted you the slightest, babe." Sabi nito habang lumalapit kay Cyndi.
"But I know one game that I'm sure I'm good at." Sabi pa ni Shaun habang niyayapos si Cyndi.
"What is that?" Nanunuksong tanong ni Cyndi na napakagat-labi pa.
"You'll soon find out." Tugon ni Shaun habang kinikiskis ang ilong niya kay Cyndi.
Hahalikan na sana ni Cyndi si Shaun nang mapansin niya ang grupo nina Archie na dumating at pumuwesto sa di okupadong billiard table na malapit sa kanila.
Nakita pa niyang diretsang nakatitig sa kanya si Archie habang nilalagyan ng tisa ang hawak na cue stick.
Kaagad na nawalan ng gana si Cyndi. "Shaun, can we go somewhere else?"
"Why?" Kunot-noong tanong muna ni Shaun bago napansin ang grupo nina Archie sa kabilang billiard table. "Oh, I get it. It's that warfreak boy again."
Tinapunan ng masamang tingin ni Archie si Shaun nang marinig ang tinuran nito. Nakahalata naman agad si Dennis.
"Huwag mo nang patulan, Archie. Maglaro na lang tayo." Sabi ni Dennis kay Archie habang pinapatong ang kamay sa balikat nito.
"Oo nga, Archie. Ang laking mama niyan. Sigurado, bugbog-sarado ka d'yan." Segunda naman ni Nathan.
Si Nathan ang napagdiskitahan ng galit ni Archie, siniko ito ng malakas sa tagiliran.
"Aray naman!" Sabi ni Nathan sabay hawak sa nasikong tagiliran.
Si Kurt parang hindi pansin na may tensyon at abala ito sa paghahagilap ng mga balls para isa-isa itong ayusin sa triangle rack.
"Shaun, please. Can we go now?" Nag-doe eyes na si Cyndi sa kasintahan para makumbinse ito.
Hindi na nakahindi si Shaun kay Cyndi. "Sure thing." Sabay pisil pa sa baba ng dalaga.
Pareho nilang iniwan ang cue stick sa ibabaw ng billiard table at sabay na naglakad paalis ng sports bar. Sinadyang iwasan tingnan ni Cyndi ang grupo nina Archie nang mapadaan sa kinapupuwestuhang billiard table ng mga ito. Si Shaun naman tinapunan ng masamang tingin si Archie.
Nang malapit na sina Shaun at Cyndi sa entrada ng sports bar, siya namang dating ni Nadine kasunod ang ka-date nitong si Lance. Nagkagulatan pa sina Nadine at Cyndi nang di inaasahang magkasalubong sila.
Agad namang nakabawi si Cyndi sa pagkagulat. Pinaghalukipkip ang dalawang braso habang tinaasan ng kilay ang bagong dating. "Look who's here? It's the campus flirt herself."
Gumanti ng nakakainsultong ngiti si Nadine. "I'll take that as a compliment. Ano nga ba 'yung sabi sa saying? It takes one to know one?"
"You fucker!" Itinaas ni Cyndi ang kamay para sampalin si Nadine. Tatama sana ang kamay nito sa babae kung hindi ito nahawakan agad ni Lance.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...