NASA loob ng La Jota ampitheater sina Cyndi at Shaun. Sumali kasi si Cyndi sa Drama Club ng university. Dress rehearsal nila ngayon para sa play na kasali si Cyndi kaya suot-suot na nila ang sixties costumes habang nagpa-practice. Dahil hindi pa naman eksena ni Cyndi, tumabi muna siya ng upo kay Shaun na nakapuwesto sa bandang harapan ng stage habang nagpa-practice ang ibang mga gaganap sa stage.

"I'm quite surprised the security let me in to see you practice, babe." Nakangiting sabi ni Shaun kay Cyndi.

"Of course, they have to let you in. You're my boyfriend. And you even surrendered your ID so that only shows you're not a bad guy." Komento naman ni Cyndi na nakahilig sa bisig ng lalaki habang hawak-hawak ito at nakatingin sa mga nagre-rehearse sa stage pero halatang wala talaga duon ang atensyon.

"Aww, just admit it, babe. You skillfully charmed them to agree with you." At hinalikan pa ni Shaun sa noo si Cyndi.

"Well, if you say so." Sumang-ayon na rin si Cyndi pero halatang nakikilig.

Biglang tumunog ang cellphone ni Cyndi. Kinuha niya ang phone sa kanyang bag na nasa tabi niya. Isang kaibigan babae ang nag-text sa kanya.

"Cynds, check your Facebook. I tagged you on something." Sabi sa text.

Kaagad binuksan ni Cyndi ang Facebook at nakita niyang itinag siya ng nasabing friend sa picture ni Gio na nakahiga sa kama na apparently ay kumakalat na ngayon.

"Who is that dude?" Tanong ni Shaun na napatingin na rin sa screen ng phone ni Cyndi.

"Some random guy here in school." Sabi ni Cyndi na nila-lock ulit ang phone at ibinabalik ulit sa loob ng kanyang bag. "I don't even know him personally."

"That's a very unflattering picture, wouldn't you say?" Komento pa ni Shaun.

"You could say that again." Natatawang sabi naman ni Cyndi.

"Cyndi, scene nyo na ni Kyle!" Tawag ng estudyanteng lady director ng play mula sa stage.

"It's my turn, Babe." Paalam ni Cyndi kay Shaun habang tumatayo.

"I'm just right here." Nakangiting tugon naman ni Shaun.

Nagharap sina Cyndi at Kyle sa stage, hawak ang kani-kanilang script.

"Bakit ka pa nagpunta rito, Ferdie?" Kahit binabasa lang ni Cyndi ang script ay nilalagyan din niya ng emosyon ang boses na sinasabayan pa niya ng tingin sa kaeksena.

"Naririto ako para patunayan sa 'yo na totoo ang pagmamahal ko sa 'yo, Blanca." Puno din ng emosyon si Kyle sa pagbanggit ng linya nito.

Binasa muna ni Cyndi ang linya sa hawak na script bago magsalita. "Paano ang kasintahan mong si Maritess?"

"Wala na kami. Ikaw talaga ang mahal ko. Para patunayan ko sa 'yo," Lumuhod si Kyle sa harap ni Cyndi at kinuha sa bulsa ng suot na coat ang maliit na case at saka binuksan para makita ang singsing sa loob nito. "Yayayain kitang pakasal. Bumuo tayo ng pamilya, Blanca."

"Oh, Ferdie!" At binitawan pareho nina Cyndi at Kyle ang hawak nilang script at marubdob na naghalikan.

"Lagyan nyo pa ng passion! Kyle, grab Cyndi's buttocks! Cyndi, I want tongue action!" Utos ng stage director habang pinapanuod ang kissing scene ng dalawa.

Napangalubaba na lang si Shaun habang pinanunuod ang stage kiss nina Cyndi at Kyle. Halatang di kumportable.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon