NAGLALAKAD si Archie sa open quadrangle kasama sina Dennis at Nathan at ang iba pa nilang ka-team sa Falcon Crest. Pawang nakasuot sila ng kanilang jersey uniforms at ang iba'y may mga hawak pang bola. Papunta sila sa gym court para mag-practice ng basketball. Madadaanan nila ang grupo ng Dance Troop ng Saint Therese na nagda-dance practice habang tumutugtog ang The Time (Dirty Bit) ng Black Eyed Peas mula sa radio boom buster na hawak pa ng isa sa mga ka-grupo ng dance troop habang sumasayaw.
"Hala! Sino 'to?" Sabi ni Nathan na nakatingin sa screen ng phone nito habang naglalakad.
"Ano yan?" Tanong ni Kurt na nakiusyoso sa tinitingnan ni Nathan sa phone.
"Picture na in-upload ni Nadine sa Facebook. Pero sino 'yung kasama n'yang guy sa picture?" Sagot ni Nathan na nakatingin pa rin sa screen ng phone.
Napatigil pareho sina Dennis at Archie sa paglalakad at napatingin kay Nathan.
"Bakit may update ka sa Facebook post ni Nadine?" Tanong ni Dennis.
"Nung binanggit kasi ni Archie na naging sexy na si Nadine, na-curious ako. Kaya in-add ko sa Facebook, in-accept naman niya." Nahihiyang isplika ni Nathan.
"Gago ka din no?" Halatang naasar si Archie.
"Selos ka? 'Di i-add mo rin! Para makita mo rin update niya. Tingnan n'yo 'to oh!" Iniharap pa ni Nathan 'yung screen ng phone sa kanila. "Tinamaan 'ata ako ni Cupido. Ang ganda niya. Syet!"
Tiningnan ni Dennis 'yung picture na in-upload ni Nadine. Maging si Archie kahit inis ay di rin napigilang hindi tumingin.
Lalong lumabas nga ang ganda ng dalaga. Bumagay ang sexy na outfit nito maging ang mga accessories na suot. Pero nabaling ang tingin ni Dennis sa lalaking katabi ni Nadine sa picture.
"Parang kilala ko 'yung guy na kasama niya." Sabi ni Dennis.
"Talaga? Sino?" Tanong ni Nathan.
"Ayun, o!" Sabay nguso ni Nathan sa gawi ng mga nagpa-practice na member ng Dance Troop.
Sakto namang nagpe-freestyle dance si Aaron nang tumingin sila. May ipinakita pa itong windmill moves na pinalakpakan naman ng mga ka-grupo sa Dance Troop.
"Show off." Mapakla ang mukhang bulong ni Archie sa sarili habang tinitingnan ang pagsasayaw ni Aaron.
Lalakad na sana si Archie papunta sa gym court nang biglang...
"Aarooon!" Matinis ang tinig at halata ang excitement.
Pagtingin ni Archie nakita niya si Nadine na papalapit. Naka-floral sleevelss dress ito na may asymmetrical pleating ang skirt. May suot pa siyang simpleng beaded necklace at matching earrings. Saglit nawala ang ngiti ni Nadine nang makita si Archie pero kaagad na binaling muli ng dalaga ang tingin kay Aaron at maluwang uling ngumiti at nagmadaling lumakad palapit sa kinaroroonan ng Dance Troop.
"Uy, Nadine! Musta?" Nakangiting bati naman ni Aaron dito.
"Nagdala ako ng burgers and fries baka di ka pa kumakain." Sabi ni Nadine sabay pakita ng dala-dala nitong take-out bag ng McDonald's.
Binuyo naman sila ng mga ka-grupo ni Aaron sa Dance Troop: "Huuuy! Ano 'yan?" "Pakilala mo naman kami dyan, Aaron!" "Si Baby boy, puma-pag-ibig na!"
Nahihiyang nakangitiian na lang sina Nadine at Aaron sa natatanggap na pambubuyo.
Lalong umasim ang mukha ni Archie sa nakita. "'Lika na!" Yaya nito sa mga ka-teammates.
Nagawi ang tingin ni Archie sa cafeteria, nakita niyang nakatayo sa may pintuan si Gio. Madilim din ang mukha ito habang kumakain ng mansanas at pinagmamasdan sina Nadine at Aaron.
Agad sumiklab ang galit sa dibdib ni Archie at patakbo nitong tinungo ang kinatatayuan ni Gio sa kabila ng pagpigil ng mga ka-teammates niya.
Huli na nang mapansin ni Gio si Archie. Nabitawan nito ang kinakain mansanas nang dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok ng lalaki.
Kinubabaw ni Archie si Gio at hiniklat ang kuwelyo ng polo. "Umamin ka! Ikaw ang nagpakalat ng video, hindi ba?"
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Pagtanggi naman ni Gio.
"You motherfuckin' liar!" At pinagsusuntok muli ni Archie si Gio sa mukha. Pilit sinalag ni Gio ang mga kamao ni Archie pero wala ring epekto. Pumutok na ang nguso niya at nagsisimula nang mangitim ang isang mata niya.
Natigilan pareho sina Nadine at Aaron sa nakita. Pero si Nadine halatang hindi kaya ang bayolenteng nasasaksihan.
"Aaron, alis muna tayo dito." Napahawak pa si Nadine sa harap ng suot na hoodie ni Aaron.
"Sige, saan tayo?" Payag naman agad si Aaron.
At hinila na ni Nadine si Aaron palayo sa rambulan.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...