MARAMING tanong ang Mom at Dad ni Archie nang dumating sila ni Nadine sa bahay niya. Pati ang kapatid na si Biboy ay nakiusyoso din. Buong pagpapasensiya namang sinagot pilit ni Archie ang sunod-sunod na mga tanong ng mga magulang, kahit si Nadine ay tumutulong rin sa pagsagot kapag nakikitang nahihirapan nang mag-explain si Archie.
"Bakit siya ang kasama mong umuwi? Where is Cyndi?" tanong ng Mom niyang si Celine.
"Tama ba iyong narinig ko? Dito sa bahay siya matutulog, Archibald? Naipaalam mo na ba yan sa magulang niya?" Tanong ng Dad naman niyang si Jun.
"Itinanan mo na ba 'yan, Kuya?" Nakangiting pang-aalaska ni Biboy.
Pinanlisikan ni Archie ng mga mata ang nakababatang kapatid. "Biboy, pag di ka pa tumigil kahit nagbibinata ka na, kukutusan pa rin kita!"
"Archie, wala ka pang maayos na nasasagot sa mga tanong namin." Natatampo nang paalala ni Celine sa panganay na anak.
Hindi mapigilang mapabuntung-hininga ni Archie. "Mom, I already explained to you the reason. May nangyari incident kanina sa school involving Nadine. Masyado pang upset si Nadine sa nangyari para umuwi at kausapin ang mother niya, kaya for the meantime dito muna siya sa atin magpapalipas ng gabi."
"Saan siya matutulog? Sa kuwarto mo?" Nang-uusig na ngayon ang mga tanong ni Celine.
Nakusot na ni Archie ang mata. "If it bothers you too much, sa sahig ng kuwarto ako matutulog. O kahit sa couch na lang dito sa sala."
Napakapit naman sa braso ni Archie si Nadine. "Archie, hindi ako sanay matulog sa 'di ko sariling kuwarto na mag-isa."
Nang makita ni Celine ang inaksyon ng dalagang kasama ni Archie, pairap nitong tinalikuran ang dalawa saka lumapit sa bintana para tanawin ang garden, halatang nagpipigil.
Si Jun naman ang kumausap sa kanila. "Iha," mahinahong sabi nito sabay patong ng kamay sa balikat ni Nadine. "Okay lang na sa kuwarto ni Archie ka matulog. May tiwala naman ako sa binata ko eh. Pero first thing tomorrow, I need you to go home and settle this with your mother."
Napangiti na si Archie. "Thanks, Dad."
Maging si Nadine ay napangiti na rin. "Salamat ho, Mister Nuestre."
"Sige na. Matulog na kayong dalawa. It's getting late. Ako nang bahalang kumausap sa Mom mo." Si Biboy naman ang binalingan ni Jun at sinipat ang school uniform na suot. "Ikaw naman, magpalit ka na ng pantulog at magpahinga na rin. Palagi ka na lang hirap gisingin sa umaga."
"Yes, Dad!" Sagot naman ni Biboy na sinundan na sina Archie at Nadine na naglalakad na paakyat ng hagdan.
"Kuya, ang ganda naman ng kasama mo. Mas gusto ko yung ganda niya kesa du'n kay Cyndi." Hindi mapigilan ang mga panakaw na tingin kay Nadine habang kinakausap ang kuya niya.
Inambahan naman ng pagkutos ni Archie ang kapatid pero mabilis na itong nagtatakbo papunta sa sarili nitong kuwarto. "Nice meeting you, Nadine!" sigaw pa ni Biboy habang pumapasok sa sariling silid.
Parehong natawa sina Archie at Nadine sa inasal ni Biboy. Bago tuluyang pumunta sa silid ni Archie, pareho nilang napansin na sinusuyo na ngayon ng Dad ni Archie ang Mom nito na nakatanaw pa rin sa may bintana. Nagkatinginan na lang sina Archie at Nadine saka tuluy-tuloy nang umakyat ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...