SA MALAKING function room sa Saint Therese University ginanap ang taunang Halloween Ball. Marami nang nakaparadang sasakyan nang dumating si Archie kaya medyo nahirapan siyang maghanap ng di okupadong parking space. Pinagmasdan muna niya ang sariling hitsura sa rearview mirror ng sasakyan. Naka-Dracula costume siya ngayon na may katerno pang itim na cape at plakdang-plakda at nangingintab ang buhok sa dami ng hair gel na nakalagay.
Nang bumaba siya ng sasakyan, napatingin siya sa entrada ng function room. Marami-rami nang mga estudyante at miyembro ng faculty ang pumapasok sa loob na pulos nakasuot din ng mga costumes. Rinig din mula sa kinatatayuan niya ang ingay ng live band sa loob na ang alam niya ay ang grupo nina Reema ang nagpe-perform.
"Ano ba 'yang costume mo? Count Dracula ba 'yan or 'yung The Count sa Sesame Street?" Tawag na tanong kay Archie sa likod niya na nabosesan niya agad na si Dennis.
Nakangiting nilingon ito ni Archie. Nakita niyang naka-Spiderman costume si Dennis. Si Kurt ay naka-Frankenstein costume. Si Nathan naman pinangatawan ang pagiging Potterhead at naka-Gryffindor costume ito.
"Ang tagal mo! Namuti na mga mata naming kakahintay sa 'yo." Salubong ni Dennis sa kanya.
"Si Mom kasi ang busisi mag-make up sa mukha ko. Natagalan ako tuloy." Paliwanag naman ni Archie.
"Nakailang yosi na nga itong si Kurt eh." Sabi ni Dennis sabay turo kay Kurt na sinisindihan ng lighter ang nakasalpak sa bibig na sigarilyo.
"Kanina pa ba nag-start?" Tanong ni Archie.
"Kasisimula pa lang 'ata ng first set ng banda nina Garry." Sagot naman ni Kurt habang binubuga ang usok ng hinihithit na sigarilyo.
"'Lika na. Baka maubusan na tayo ng food sa buffet." At nauna nang maglakad si Dennis papunta sa function room. Kaagad namang sumunod sina Archie dito.
"Hanggang dito dinala mo pagiging Potterhead mo." Nakatawang pansin ni Archie sa costume ni Nathan habang naglalakad.
"Mabuti nang handa. Mahirap na. Baka mamaya biglang lumabas si Voldemort eh." At iwinasiwas pa ni Nathan paitaas ang hawak na wand sabay sigaw ng, "Expecto patronum!"
"Hindi pa nga tayo nagsisimula lasing ka na." Natatawang sabi ni Archie.
Maganda ang pagkaka-decorate sa loob ng function room. Maraming mga fake na cobwebs ang mga nakasabit sa haligi at light fixtures. Meron ding mga nakasabit na mga kalansay ng tao, mga mummy na itinali sa mga haligi, may malaking witch doll na nakasakay sa walis na nakasabit sa malaking chandelier. Sa mismong stage naman kung saan nagpe-perform ang bandang Sound Iskool ay may naka-design na malaking jack-o'-lantern na napapalibutan ng hologram na apoy.
Kasalukuyang pinapatugtog ng banda na nakasuot naman ng Ghostbuster costumes sa stage ang Dancing In The Moonlight ng Toploader na solong kinakanta ni Garry habang sinasabayan siya ng tugtog ng mga kamiyembro. Sa harap naman nila ay todo ang sayaw ng mga estudyante at ilang miyembro ng faculty na lahat ay nakasuot ng costumes.
Mabilis pinasadahan ng tingin ni Archie ang mga tao sa loob ng function room pero hindi niya mahagilap ng tingin ang gusto niya sanang makita. Napilitan tuloy siyang lumapit sa buffet table kung saan kanya-kanyang kuha ng pagkain sina Dennis, Kurt at Nathan. Nagpagawa na lang ng rum & coke sa server si Archie.
Napansin naman siya ni Nathan na umiinom lang ng drinks. "Uy, Archie! Diet ka ba? Try mo 'yung food. Masarap!" Sabi pa nito sabay kagat sa hawak na bruschetta.
"Later na ako. Enjoyin mo na lang 'yang food mo, Nathan." Sabi ni Archie na iginala ulit ang tingin sa mga tao sa paligid.
Pagtingin ni Archie sa entrance ng function room ay tiyempong lumalakad papasok si Nadine. Lumutang ang ganda ni Nadine sa fairy costume nito. Nakasuot ito ng heavily sequined na gold and white strap dress at may nakakabit na pakpak ng butterfly sa likod. Meron din siyang glittery make up na nakalagay sa mga mata.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...