MATIYAGANG naghihintay si Nadine sa labas ng office ng Music Club sa eskwelahan. Papatapos na ang meeting ng mga ka-grupo ni Reema para sa pinaplano nilang concert sa school sa susunod na buwan. Ang ilan sa mga miyembro ay relax nang nagkakantahan na sinasabayan ng patugtog ng gitara, halatang balak munang tumambay sa loob ng office pagkatapos ng meeting. Pasilip-silip si Nadine sa loob ng office at babalik ulit sa pagkakaupo sa mahabang stool sa pasilyo. Pansin naman niya na hindi iilan sa mga naglalakad sa pasilyo ang tumitingin sa kanya at minsa'y nagbubulungan pa, pero minabuti ni Nadine na huwag na lang silang pansinin.
Nang makita niya si Reema na lumabas ng office sukbit sa balikat ang messenger bag nito at hawak ang binder ng pag-aaralang lyric sheets ay kaagad itong hinabol ni Nadine.
"Reema, usap tayo sandali." Sabi ni Nadine sabay hawak kay Reema.
Humarap naman sa kanya ang nagtatampong kaibigan. "Himala! Bigla mong naisipang magpakita sa akin."
Binitawan ni Nadine ang braso ni Reema. Walang maisagot.
"Dapat nga magalit ako sa 'yo eh. Nagsinungaling ka sa akin. Nag-text ka sa akin at sabi mo nakauwi ka na sa house nyo nung gabi ng incident sa La Jota. Yun pala sa bahay nina Archie ka tumuloy that night." Patuloy na pagpaparunggit ni Reema.
Nagulat si Nadine na alam din ng kaibigan ang pagtulog niya kina Archie.
"Don't look surprise. Everyone is talking about it. Kahit yung mga kasama ko sa Music Club, 'yan din ang topic. Mag-attempt ba namang mag-suicide si Cyndi on the same night, do you think people won't start digging up the root cause of it?" Parang gusto pang ipa-realize sa kanya ni Reema ang mga nangyayari.
"Nakita ko silang dalawa kanina, magkasama silang lumabas sa Physics Room..."naiiyak nang kuwento ni Nadine.
"Mabuti. At least, alam mo nang nagkabalikan na silang dalawa. Kaya ikaw, tigilan mo na 'yang pagkahibang mo dyan kay Archibald Nuestre. Mahilig lang magpaiyak ng babae 'yun. What a total jerk!" Lumakad ulit palayo si Reema.
Pero kaagad na sumunod si Nadine. "Reema, can you spare me some of your time. Kailangan ko lang talaga ng makakausap."
Naiinis na bumaling ulit si Reema kay Nadine. "Kung magsisinungaling ka lang ulit sa akin, forget it, Nadine. I don't have time to hear your lame excuses."
"Reema, please. Hirap na hirap na 'yung loob ko. Ikaw lang naman ang bestfriend ko dito sa school..."
Hindi naman kayang tikisin ni Reema si Nadine lalo pa't umiiyak na ito sa harapan niya. "Hindi ka ba susunduin ng Mama mo ngayon?"
Umiling si Nadine. "Hindi. Nag-text na ako sa kanya na sabay na lang tayong uuwi.
Wala nang nagawang napailing na lang si Reema. "Sige na. Pero huwag tayo dito sa school mag-usap. Mahirap na."
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...