MAKALIPAS ang ilang sandali, bumukas ang mga mata ni Nadine. Sandaling pinagmasdan ang mga ilaw na naglalaro sa kisame ng kuwarto na nanggagaling sa bukas na lampshade ng mesita. Kasalukuyan namang tumutugtog ang kantang Here With Me ni Dido sa DVD player.

Nag-angat ng tingin si Nadine at pinagmasdan ang natutulog na ngayong si Archie sa sahig. Bahagyang nakabuka ang bibig ng lalaki habang banayad na tumaas, bumaba ang dibdib nito sa paghinga.

Naalala niya ulit ang paghalik sa kanya ni Archie kanina sa harap ng amphitheatre sa school. Mariin ngunit may kasamang pagsuyo. Nakakapigil ng hininga. Nakakatindig ng balahibo. Nakakapagpabilis ng tibok ng puso. Parang tila binalot ng kuryente ang katawan niya. Nakakadiliryo sa sarap. Gusto niya ulit iyong maranasan. Gusto niya ulit maramdaman.

Marahan niyang tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan at pagapang siyang bumaba ng kama palapit sa tulog na tulog pa ring si Archie.

Tumabi siya ng higa sa lalaki at pinagmasdan ang tila napakaamong nitong mukha na ang mga mata ay pikit na pikit pa rin at wala pa ring malay na katabi na siya nito.

Inilapit ni Nadine ang hintuturo sa mga labi ni Archie at tila hangang-hanga na binaybay ng daliri niya ang korte ng mga labi ng lalaki.

Agad naalimpungatan si Archie at nagulat nang makitang nakahiga na sa tabi niya ang dalaga. "Nadine...?" Naguguluhang tanong nito sa katabi.

Bilang tugon, hinalikan ni Nadine ang mga labi ng binata. Saglit na di nakatutol si Archie at gumanti din ng halik. Pero makaraan ang ilang sandali, pilit niyang inilayo ang mukha ni Nadine sa kanya.

"Hindi natin 'to dapat gawin." Sabi ni Archie habang nakatingin sa mukha ng katabi.

Ang mga mata naman ni Nadine ay parang sumasamo, nangungusap, nagpapahiwatig na tugunin ni Archie ang gusto niyang mangyari. At sino ba naman si Archie para hindi pagbigyan ang inaalay ng dalaga para sa kanya?

Una muna'y isang masuyong halik sa labi, hanggang sa tuluyan nang hindi napigilan ang pagnanasang kapwa nadarama ng kanilang mga katawan ay tumindi ang mga halik. Gumapang ang mga labi ni Archie pababa sa leeg, sa dibdib ng kasiping. Impit na ungol ang pinakawala ni Nadine na hindi namang mapigilang haplusin ang buhok ni Archie na walang awat pa ring humahalik sa kanya.

Isa-isa na silang nagtanggal ng saplot. Buong pagsuyong hinahalikan ni Archie sa labi si Nadine habang inaalalayan sa maayos na paghiga sa comforter nito.

Saglit na humiwalay sa paghalik si Nadine. "Archie..." sabi nito na tila may ibig ipahiwatig.

"Alam ko. It's your first time. I'll try be to gentle, Nadine." Hinawakan pa ni Archie sa pisngi ang dalaga bilang assurance.

Nginitian ni Nadine ang lalaki. Tanda na kumpleto ang tiwala niya dito.

Ginawaran siya ng halik ni Archie at tuluyan nang inangkin ang kanyang katawan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon