NAGLALAKAD palabas ng building ng unibersidad sina Archie, Dennis, Nathan at Kurt. Seryoso silang nag-uusap.
"Anong nangyari nung kinausap kayong dalawa ni Gio ng Dean?" Usyoso ni Kurt.
"Wala." Alinlangan pang sagutin ni Archie.
"You mean, di ka pa rin nakipag-ayos kahit kaharap n'yo na ang Dean?" Gulat na tanong ni Dennis.
"Bakit ako makikipag-ayos du'n? He wronged me, man! Siya ang may atraso sa akin." Punto ni Archie.
"May proof ka ba, Archie? Baka mamaya bintang ka ng bintang pero wala naman pala talagang kasalanan 'yung tao." Usig ni Dennis sa kaibigan.
"Siya 'yun. Siya lang ang makakagawa nu'n." Kumbinsi ni Archie pero halatang may pag-aalinlangan sa mukha niya.
"That's my Archie! Certified school heartthrob! May paninindigan kaya crush ng bayan!" Biro ni Nathan kay Archie habang kunwari kinukuhanan ito ng litrato gamit ang mga kamay nito bilang camera.
"Ulul!" Sabi dito ni Archie pero nakangiti na ito. "'Lika na! Gutom na ako eh. Army Navy na lang tayo. I'm craving for their chicken."
Lumapit na sila sa kotse ni Archie na nakaparada sa may lilim ng malagong puno.
"So anong sabi ni Dean Katigbak nung hindi pa rin kayo nagbati ni Gio?" Tanong ni Dennis na parang gusto malaman ang lahat ng detalye ng meeting ni Archie sa dean's office.
"Sabi niya pag nahuli pa daw niya kami ni Gio na involved sa gulo, she might..." Natigil sa pagsasalita si Archie habang binubuksan ang pintuan ng driver's side ng kotse dahil biglang may humarurot na motorsiklo at muntik pang madagil ang pinto ng kotseng binubuksan ni Archie.
"Tanginang 'yun a!" Gigil sa galit si Archie habang sinusundan ng tingin ang papalayong motorsiklo.
"Gusto mo ba, Archie, lagyan ko ng mga slugs 'yung loob ng bibig ng gagong 'yun?" Sabi ni Nathan sabay labas ng wand na nakasukbit pala sa likurang bulsa ng suot nitong jeans.
Nawe-weirduhan napatingin na lang si Dennis kay Nathan.
Tumigil ang motorsiklo sa tapat ng university building kung saan lumabas ang grupo nina Archie. Nagbaba ng helmet ang lalaki. Si Mark pala ito. Galing sa de buena familia na nasa real estate ang business ng pamilya. Halatang ipinagmamayabang ang Ducati motorcycle na gamit nito.
"Nadine!" Biglang sigaw ng lalaki.
Saka nila napansin si Nadine, tumatakbo palabas ng building na seksing-sexy sa suot na white strap shirt, tight fit Levi's at ankle boots.
"Hi, Mark! Kanina ka pa?" Tanong ni Nadine nang makalapit na sa lalaking naka-motor.
"Hindi. Kadarating ko lang." Nakangiting sabi naman ng lalaki sabay abot ng baon nitong extrang helmet.
Nahirapan si Nadine na i-lock yung helmet strap sa ulo niya kaya tinulungan pa siya ni Mark na i-secure iyon. Madilim ang mukha ni Archie habang pinagmamasdan sina Nadine at Mark.
Nang maayos nang nakasuot ang helmet kay Nadine, kaagad na pumuwesto siya ng upo sa likuran ng lalaki sa motorsiklo at siniguro muna ng lalaki na nakakapit maigi sa kanya si Nadine bago nito pinaandar ang motorsiklo palabas ng unibersidad.
"Ano? Tutunganga na lang tayo dito?" Sabi ni Kurt.
Parang duon lang natauhan si Archie saka tiningnan ang mga kabarkada.
"Gusto 'atang sundan ni Loverboy Archie si Hot Chick Nadine eh." Pagbibiro na naman ni Nathan.
"Iwanan ka na nga namin!" Sabi dito ni Archie at padabog nang sumakay sa driver's seat.
"Eto naman! Di na mabiro. Parang may mens." Sabi ni Nathan na sumakay na rin sa loob ng sasakyan.
Iiling-ilingnaman si Dennis na sumakay sa passenger's side seat sa tabi ni Archie.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...