KASALUKUYANG nagpa-practice ang Sound Iskool sa Music Club room para sa mga kakantahing piyesa nila sa nalalapit na Halloween Ball. Kinakanta ni Garry ang When You're Gone ng bandang Matchbox Twenty habang naggigitara. May music sheet stand sa harap niya para mabasa niya ang chords ng ginigitara niya habang kumakanta. Sinasabayan naman siya ng pagtugtog ng mga ka-miyembro niya ng mga instrumentong nakatoka sa mga ito.
Natigil lang sila nang pumasok sa Music Club room si Lloyd bitbit ang supot ng kani-kanilang orders ng milk teas na pinabili nila rito.
"Eto na mga orders ninyo, mga ma'am sir." Sabi pa ni Lloyd habang nilalagay sa mesa ang mga milk teas.
"Buti dumating ka na, Lloyd. Hindi maganda ang bagsak ng tugtog namin pag walang kasamang keyboard eh." Sabi naman ni Mikko.
"Break muna tayo. Kanina pa ako uhaw." Sabi ni Garry na ibinaba muna ang hawak na gitara at lumapit na sa mesang nilapagan ng mga milk teas.
Habang isa-isang tsini-check at dini-distribute ni Lloyd kung kani-kanino ang mga milk teas na pinamili nang makarinig sila ng mga katok sa pinto.
Napatingin silang lahat sa pintuan at nakita nila si Archie na nakatayo sa entrada ng kanilang opisina. Naiwan pala ni Lloyd na bukas ang pinto nang pumasok siya dala ang mga pinamili.
"Oy, Archie! Naligaw ka. Sasali ka ba sa banda namin?" Nakangiting tanong sa kanya ni Chuck.
"Kausapin ko sana si Reema saglit. Kung okay lang?" Sagot naman ni Archie.
Namilog ang mga mata ni Reema habang sinisipsip ang milk tea niyang hawak nang marinig ang pangalan niya.
"Nanliligaw ba 'yan sa 'yo?" Bulong ni Garry kay Reema.
Inis na siniko ni Reema si Garry bago lumakad palapit kay Archie, hawak pa rin ang iniinom na milk tea.
"Gusto mo?" Alok ni Reema nang makalapit kay Archie sa pinto.
"No, thank you." Magalang na tanggi ni Archie.
"Anong atin?" Usisa ni Reema na hindi matigil sa pagsisip ng basong palamig na hawak.
"Reema, I know I'm being desperate. Pero ikaw lang kasi ang alam kong puwede kong lapitan." Bumakas na sa mukha ni Archie ang lungkot.
Na-curious agad si Reema. "Tungkol ba saan 'yan?"
"Kumbinsihin mo naman si Nadine na kausapin ulit ako. Alam ko, malaki ang tampo niya sa akin and I want to make amends." Esplika ni Archie.
"Bakit hindi mo siya kausapin dito sa school. May klase siya ngayon." Sabi naman ni Reema.
"Sinubukan ko na. Pero ayaw niya talaga akong kausapin. Hindi man lang tumitingin sa 'kin kahit tawagin ko." Halata na ang desperasyon sa boses ni Archie.
"Naku naman, Archie! Problema n'yong dalawa 'yan. Why involve me?" Parang nag-aalangang si Reema sa pinapagawa ng lalaki.
Malungkot na napayuko si Archie. "Yeah, this is foolish. Ako ang dapat magpursigi because I'm the one at fault. Sige. Thank you, Reema." At naglakad na ito palayo.
Nakakailang hakbang pa lang si Archie nang humabol dito si Reema. "Wait lang, Archie!"
Tumigil sa paglakad si Archie at nilingon si Reema.
"Sige. I'll talk to Nadine later." Sabi ni Reema nang makalapit kay Archie. "Pero kung ayaw ka niya talagang kausapin, wala na akong magagawa du'n."
Umaliwalas agad ang mukha ni Archie sa narinig. "I understand, Reema. Thank you. I appreciate it. Message me kung anong magiging sagot niya. I'll add you sa messenger later."
Tumalikod na si Archie at lumakad palayo bago pa makasagot si Reema.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...