DUMAAN muna si Archie sa Holland Tulips flower shop sa EDSA Shangri-la Mall. Kinausap niya agad ang florist na nasa shop at sinunod ang rekomendasyon nito na isang twenty piece bouquet ng white Dutch tulips ang bilhin na nasa black and white woven wrapper na may nakabuhol pang gold satin na ribbons kaya napaka-eleganteng tingnan.
Paglabas ni Archie sa flowershop ay napadaan siya sa isang news and magazine stand. Agad niyang napansin ang cover ng isang glossy. Habang hawak ang boquet ng tulips sa isang kamay, dinampot niya mula sa estante ang latest issue ng Elite Magazine na si Cyndi ang cover girl na ibinibida ang suot na sequined maxi dress ng Italian brand na Bottega Veneta.
Matapos ang stint ni Cyndi sa pag-arte onstage nang sumali ito sa Drama Club ng Saint Therese ay nakahiligan na nito ang maging parte ng limelight kaya hindi na nito na-practice ang kursong Marketing na pinagtapusan at nagkonsentra na sa pagmo-modelling at paminsan-minsan na acting job sa TV o sa big screen.
"Bibilhin n'yo, Sir?" Tanong ng babaing nagbabantay sa magazine stand.
Nakangiting umiling si Archie at ibinalik ulit ang magazine sa estante.
Papalayo pa lang siya sa magazine stand nang may biglang batang bumangga sa kanya. Mabuti na lang at naiangat niya ang hawak na bouquet kung hindi nadurog iyon sa lakas ng impact ng pagbunggo sa kanya ng bata.
Kaya pala siya nabangga ng bata ay masyado itong busy sa paglalaro ng Pokemon Sword & Shield sa Nintendo Switch na hawak nito.
"Sorry." Sabi ng bata na hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa nilalaro sa portable gaming console at parang wala itong inabala na tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
"Johnny, will you look where you're going!" Narinig ni Archie na may sumita sa bata.
Paglingon ni Archie ay nakita niya ang nanay ng bata na nanghihingi ng paumanhing tumingin sa kanya saka hinila ang batang sige pa rin sa paglalaro palapit sa kanya.
Napailing na lang si Archie at agad na binusisi ang hawak na bouquet kung may nasira dito nang bumangga ang bata sa kanya.
Duon napansin ni Archie ang isang ad sa tabi ng escalator. Lumapit si Archie para basahin maigi ang nakalagay sa ad.
"The Surreal World: Paintings by Giovanni Panganiban at The Gallery Exhibit" ang nakalagay sa ad na may sample painting pa ng isang lalaki na ang ulo ay nasa loob ng isang bilog na aquarium at nakikipagtitigan ang lalaki sa goldfish na lumalagoy sa loob.
Dala ng kuryosidad ay umakyat si Archie sa floor kung saan ginagawa ang exhibit para masilip ang iba pang paintings na nakadisplay. Wala na siyang gaanong naging balita kay Gio matapos ang insidente sa Halloween Ball. Ang alam lang niya ay nag-serve lang ito ng minimum sentence na anim na buwan sa hatol sa kanyang attempted suicide. Hindi na rin umapela ng mas mabigat na parusa si Archie kahit sige ang udyok ng Mom niya. Ayaw na din kasi niya. Para kay Archie sapat na yung minimum na sentensya at ang pagkaka-expell ni Gio sa unibersidad bilang kabayaran sa ginawa nito.
Hindi mapigilan ni Archie na hindi mamangha nang makita ang mga paintings na naka-display nang pumasok siya sa The Gallery. Halata sa mga paintings na kumuha ng inspirasyon si Gio sa pamosong painter na si Salvador Dali. Weird. Kakaiba. Out of this world. Iyon agad ang mga pumasok sa isip ni Archie habang iniisa-isang tingnan ang mga paintings.
Nakatitig si Archie sa isang painting ng isang babae na nakabuka ang bibig habang nalabas ang dila at sa ibabaw ng dila ay may nakapatong na malaking suso na ang mga matang lumalabas sa kabibing bahay nito ay nakatingin naman sa babae nang mapansin niyang may pumasok sa loob ng art gallery.
Pagtingin ni Archie sa bagong pasok ay halos mahulog ang dala niyang bouquet ng flowers dahil hindi niya inaasahan na si Gio ang makikita niya. Malaki ang ipinayat ni Gio. Malago rin ang bigote at balbas nito. May suot na salamin. Nakasuot ito ng expensive suit, jeans at penny loafers.
Si Gio halata ring nagulat nang makita si Archie sa loob ng art gallery kung saan ine-exhibit ang mga likha niya. Pero kaagad na nakabawi si Gio. Tumitig lang ito okay Archie pero walang mababakas na emosyon. Gayundin si Archie. Tumingin din ito kay Gio na wala ring ipinapakitang emosyon.
Duon naman biglang tumunog ang phone ni Archie. Nang makita niya sa screen kung sino ang tumatawag, kaagad iyon sinagot ni Archie. "Hello? Nadine?"
Duon lang napansin ni Gio ang bouquet ng tulips na hawak ni Archie. Duon na napako ang tingin niya.
"Yes. I'm on my way." Sabi ni Archie sa kausap sa phone habang naglalakad palabas sa art gallery. Sumulyap pa si Archie ng saglit kay Gio bago tuluyang binuksan ang pinto paalis.
Sinundan lang ng tingin ni Gio si Archie na wala pa ring emosyon na pinapakita saka walang imik na itinuon ang pansin sa mga paintings niyang naka-display.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...