PAGKAPASOK ni Archie sa loob ng silid ni Cyndi ay nakita niya agad itong gising at may kung anong show na pinapanuod sa phone nito. Maririnig na in Korean ang lengguwahe ng pinapanuod nito.
"Hey! What are you watching?"Mahinang tanong ni Archie habang lumalapit sa kamang hinihigaan ni Cyndi.
Saglit na tumingin sa kanya si Cyndi at ibinalik nito ulit ang tingin sa pinapanuod sa iPhone nito. "Secret Garden." Indifferent nitong sagot.
Napansin ni Archie na may bandage at naka-tourniquet ang braso kung saan sinugatan ni Cyndi ang sarili. Pero minabuti niyang wag na lang iyon pagtuunan ng pansin.
"'Yan 'yung matagal mo nang gustong ipanuod sa 'kin, di ba?" Nakangiti na ngayong humila si Archie ng upuan at pumuwesto sa tabi ng kama ni Cyndi.
"Pero wala ka namang hilig sa Korean dramas eh. Puro Rurouni Kenshin at Naruto lang ang gusto mong panuorin." Sabi ni Cyndi na tutok pa rin sa pinapanuod.
"Kung gusto mo, I could watch it with you at your place? Kahit from the first episode pa." Nananantiyang sabi ni Archie.
Ipinause ni Cyndi ang pinapanuod at magkasalubong ang kilay na tumingin kay Archie. "Archie, don't trivialize what happened yesterday! Galit pa rin ako sa 'yo! What were you thinking last night risking yourself to get injured for her which for all I know was only playing damsel in distress to get your attention? That fake!"
"Cyndi, let's not talk about her." Halos pagsusumamo naman ni Archie.
"Why shouldn't we? You just kissed that damned slut in front of everyone! In front of all our friends!" Tuluyan nang naiyak si Cyndi. "Why did I even bother Riz to ask you to come here?" May pagsisisi na ngayon sa boses ni Cyndi.
Hindi malaman ni Archie kung anong gagawin. Kung paanong aaluin si Cyndi sa pag-iyak nito. "Stop crying na, Cyndi. Please? It might not be good for you."
Hindi makapaniwalang napatingin si Cyndi kay Archie. Hindi iyon ang hinihintay niyang sasabihin ng lalaki sa mga tanong niya. Naunawaan naman agad iyon ni Archie at nag-isip agad na sasabihin (o idadahilan) na sagot.
"Na-carried away lang ako du'n sa nangyari kagabi. It doesn't mean anything." Naisip niyang sabihin.
Halata pa rin kay Cyndi na hindi ito naniniwala. "Archie, just tell me the whole truth. Did you have sex with her last night? After we all left the campus?"
Hindi agad makasagot si Archie.
"Answer me, damn it!" Napasigaw na si Cyndi.
Umiling si Archie. "No. I-I didn't."
Pinanlakihan siya ng mata ni Cyndi. "Totoo ba yan?!"
"I didn't slept with her. That is the whole truth." Pinatatag ni Archie ang boses para makumbinse ang kausap.
Iyak lang ang naging tugon ni Cyndi sa 'pangungumpisal' ni Archie. Hindi niya matingnan ang lalaki. Hinawakan naman ni Archie ang kamay ni Cyndi na walang nakalagay na benda na pinabayaan naman ng babae.
"Sorry, Babe. Sorry." Mga usal ni Archie habang hinahalikan ang kamay ni Cyndi. 'Yun lang ang naisip niyang paraan para tumigil sa ito sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...