FRIDAY weekend. Nagkayayaan sina Dennis, Nathan at iba pang teammates ng Falcon Crest na pumunta sa isang sikat na club sa The Fort. Ayaw sanang sumama ni Archie at mas gusto niyang mag-stay na lang sa bahay at mag-binge watch ng episodes ng The Walking Dead. Pero sa pambubuyo ng mga ka-teammates ay wala nang nagawa si Archie kungdi sumama na rin sa mga ito.
As expected, maraming tao sa loob ng club. Usually mga katulad din nilang college kids in smart casual attires, mga young professionals na naroon para mag-unwind pagkatapos ng nakakapagod na work week. Maging ilang kilalang personalidad at modelo ay makikita sa loob ng crowded na club. Maraming ring mga sumasayaw sa tapat ng resident DJ ng club, isang may kaguwapuhang foreigner, na pawang abala sa paggamit ng turntables para smooth na ma-mix ang trance at house music. Pawang mga babae na sexy sa pagsayaw ang nasa harap ng DJ na tila gusto pukawin ang atensyon ng guwapong banyaga.
Sa table na malapit sa mga nagsasayaw nakapuwesto ang grupo nina Archie.
"Bottoms up tayo, mga pare!" Pag-eenganyo sa kanila ni Kurt na nauuna nang itinataas ang hawak na inuming rum and coke. Nakigaya at itinaas na rin nina Archie ang mga hawak nilang alak.
"Cheers!" Sabay-sabay nilang sabi sabay tungga ng lahat ng laman sa kanilang baso.
Naubo pa ng bahagya si Dennis nang ilapag ang baso sa mesa.
Natatawa sa kanya si Nathan na tinapik pa siya sa likod. "First time mo, bro?"
"Ulul!" Sabi ni Dennis dito nang mahimasmasan. "'Hindi ako sanay sa Bacardi. I'm more of a Johnny Walker guy."
Si Nathan, nagtawag pa ng waiter para sa isang pang round ng drinks.
Habang iininom ni Archie ang bagong order niyang Scotch on the rocks with lemon juice, nagawi ang tingin niya sa dance floor area at nakita niya si Cyndi na nagsasayaw kapartner ang isang foreigner.
Sa likod ni Cyndi nakapuwesto ang lalaki at nakahawak sa beywang ng dalaga. Nakasandal naman ang likod ni Cyndi sa katawan ng lalaki at very sensual na ginigiling ang katawan nito.
Pero sa paningin ni Archie, hindi nito pansin ang kasayaw ni Cyndi kungdi ang dalaga lang. Hindi nito namamalayan na naglalakad na pala siya patungo sa dance floor papalapit sa dalawa. Sinimulan siyang tawagin ng mga ka-teammates pero parang hindi niya ito naririnig. Kahit pa may mga babae siyang nakakasalubong sa dance floor na may halong pang-aakit ang paghawak sa kanya ay hindi niya pansin. Kay Cyndi lang nakatuon ang mga mata niya. Hanggang nasa harap na siya nina Cyndi at ng lalaking kasayaw nito ay hindi pa rin siya pansin ng dalawa.
Parang wala sa sariling inangat ni Archie ang isang kamay at hinawakan ang isang kamay ni Cyndi na sumisirko habang nagsasayaw. "Cyndi."
Parang duon lang siya napansin ng dalaga. Biglang natigil ito sa pagsasayaw at nanlalaki ang matang napatingin kay Archie.
"Hey!" Sabi ng lalaking kasayaw ni Cyndi nang mapansin tumigil sa pagsayaw ang kapareha at makitang nasa harapan nila si Archie. "Get your own lady, man!" Sabi pa ng lalaki sabay alis ng kamay ni Archie na nakahawak kay Cyndi. "Can't you see I'm with her."
Agad na tinalikuran ni Cyndi si Archie at hinarap ang ka-date. "Don't mind him, Shaun. He's a nobody." At may pang-aakit na hinawakan pa ni Cyndi ang mukha ng lalaki. "Why don't we go back to our table and have a few drinks?"
"Sounds good, Sweetheart." At naglakad na sila ni Cyndi pabalik sa table nila. Parang basang sisiw na naiwan si Archie sa gitna ng dance floor.
Nanlulumong bumalik si Archie sa sariling table.
"Burn!" Nakatawang sabi ni Nathan sabay turo pa kay Archie.
Siniko naman ni Dennis si Nathan para sawayin ang wala sa lugar na pagbibiro nito.
Uminom ulit si Archie sa inorder niyang drinks. Pagbaling niya sa table na kinapupuwestuhan nina Cyndi. Nakita niya itong nakangiting nagche-cheers ng mga inorder din nilang drinks. Pagkatapos uminom ay sensual na hinalikan ng lalaki si Cyndi na mainit naman nitong tinungon.
Parang nawalan ng ganang inilapag ni Archie ang iniinom sa mesa. "I'll just go out for a sec." Paalam niya sa mga kasama.
Malalim na bugtong-hininga ang pinakawalan ni Archie nang makalabas ng bar. Saglit na naglakad at iniwasang ang mga nakakasalubong na papasok din sa bar para magtungo sa di mataong puwesto ng parking. Inilabas niya ang isang pack ng Marlboro at kumuha ng isang stick ng sigarilyo.
"Can I also have a light, Sir?" May nagtanong kay Archie habang sinisidihan ang nakapasak na sigarilyo sa bibig gamit ang dala niyang Cricket lighter.
Nang ipapasa na niya ang lighter sa nagsalita matapos sindihan ang sariling sigarilyo, isang kamao ang dumapo sa mukha niya. Malakas siyang bumagsak sa lupa.
"Nasuntok din kita, asshole!" Yumuko pa ang lalaki sa kanya habang nagsasalita. Ang kapatid pala ni Cyndi na si Tom ang lumapit sa kanya, may kasamang ka-date na babae.
Naglakad na si Tom palayo sa kanya, kasama ang babaeng ka-date papasok din sa bar.
Sinalat ni Archie gilid ng labi, namantsahan ng dugo ang daliri niya. Kung mamalasin nga naman.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...