NASA kalagitnaan sila ng diskusyon sa nobela ni William Shakespeare na Romeo and Juliet sa English Literature class na dinadaluhan ngayon ni Nadine.
"Who would like to recite his or her favorite lines from this quintessential play by Shakespeare? Anyone?" Tanong ng may pagka-soft na professor na si Mr. Dwight Magalong. Pero kagalang-galang itong tingnan sa suot na short-sleeve barong at rimless spectacles.
"May I try, Sir?" Prisinta ng isa sa mga estudyanteng kasama ni Nadine sa klase na si Jethro na isa rin sa mga umaaligid sa babae.
"Yes, you may." Sabi naman ni Professor Magalong na sumandal pa sa teacher's table bago pakinggan ang pagre-recite ng lalaki.
"But before I do that, Sir, I have to face the object of my affection so I could deliver the lines with feelings." Pasakalye pa ni Jethro na pasimpleng tumingin pa kay Nadine. "Is that all right?"
"Just do what you have to do, Mr. Lansangan." Sabi ni Professor Magalong na humalukipkip pa.
At tumayo pa si Jethro at humarap kay Nadine na katabi niya ng upuan. Nahihiya kunwaring ngumiti pa si Jethro sa babae bago sinimulang basahin ang napiling linya sa nobela ni Shakespeare sa hawak niyang paperback copy ng libro.
"Did my heart love till now? Foreswear it, sight, for I ne'er saw true beauty till this night." Ngumingiti pang sumusulyap si Jethro kay Nadine habang dini-deliver ang linya sa libro na sinundan ng kantiyawan ng mga kasama nila sa klase.
Si Nadine nangingiti lang pero nakatuon ang tingin nito sa nakabukas na pintuan ng classroom dahil natatanaw niya mula sa labas si Archie na palakad-lakad at madalas pang sumusulyap sa loob ng kuwarto sa gawi niya.
Hanggang sa tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase.
"We will just continue this in depth review of this Shakespeare's play tomorrow." Sabi ni Professor Magalong habang nagtatayuan na ang mga estudyante at naghahandang lumabas na ng silid.
Nagkatanawan sila ni Archie habang kinokolekta ni Nadine ang mga gamit na dala. Ngumiti ng maluwang ni Archie. Tipid naman ngumiti si Nadine. Papalabas na siya ng pinto para salubungin si Archie nang biglang humarang si Jethro sa harap niya.
"Nadine, can I invite you for dinner tonight? I just bought a new electric griller that cooks steaks perfectly. I could cook for you. And maybe we could have some wine. I have a vintage bottle stacked at my condo." Nakangiting pagyayaya ni Jethro.
"I would love to come, Jethro. But not tonight. Can you take a raincheck?" Flattered si Nadine pero kailangan niyang tumanggi dahil may naghihintay sa kanya.
"Sure. Of course." Halatang disappointed si Jethro pero nakuha pa ring ngumiti kay Nadine.
"Okay." At pinisil pa ni Nadine sa braso si Jethro bago tuluyang lumabas ng silid at salubungin si Archie.
"Sino 'yun?" Bungad na tanong ni Archie. Masama agad ang timplada sa nakitang pagkausap ni Jethro kay Nadine.
"Never mind him." At hinila ni Nadine si Archie palayo sa may pinto at pumuwesto sila sa may pasilyo. "Ano ba 'yung gusto mong sabihin sa akin?"
Hindi agad makapagsalita si Archie. Napakamot pa ito sa batok. Si Nadine matiyagang nag-aantay na simulan ni Archie ang sasabihin sa kanya.
"Gusto ko lang sanang magsabi ng sorry sa 'yo, Nadine. Admittedly, I've been selfish. Nung nangyari 'yung scandal sa atin, dapat inintindi ko rin 'yung pinagdaanan mo. Nag-concentrate lang kasi ako sa image ko at kung ano 'yung magiging reaksyon ni...ni Cyndi pag nalaman niya 'yung nangyari sa atin." Tiningnan ni Archie ang mukha ni Nadine para tingnan ang reaksyon nito sa mga sinasabi niya.
Neutral naman ang mukha ni Nadine dahil alam niyang hindi pa tapos si Archie sa gustong sabihin nito.
Tumikhim muna si Archie bago nagpatuloy. "And these past few weeks, I've finally come to a realization..." Biglang natigil sa pagsasalita si Archie.
Nagtaka si Nadine kung bakit na-distract si Archie sa pagsasalita at napatingin na rin sa tinitingnan nito.
Kaya pala, nakita nito si Cyndi na naglalakad palapit habang kausap si Riz. Pero hindi pa sila napapansin ng dalawa.
Binawi ni Nadine ang tingin at tiningnan ng masama si Archie na parang nahihipnotismong nakatingin pa rin sa direksyon nina Cyndi.
Duon lang napansin ni Cyndi sina Nadine at Archie na nasa gitna ng pasilyong dinadaanan nila ni Riz. Tinapunan niya ng masamang tingin ang dalawa at niyaya si Riz na umiba sila ng dadaanan.
Nakalayo na sina Cyndi nang ibalik uli ni Archie ang tingin kay Nadine at duon niya nakitang galit na itong nakatingin sa kanya.
Halos hagilapin ituloy ni Archie ang kaninang sinasabi niya. "K-Kaya na-realized ko Nadine na gusto pala kita. Gusto ko sanang maging steady tayong dalawa." Pero dahil sa kaba na nahuli siya ni Nadine na natigilan dahil kay Cyndi, lumabas na hindi convincing ang sinasabing 'pag-amin' ni Archie.
"Go to hell, Archie!" Sabi ni Nadine saka sinabayan ng layas sa harap ng lalaki.
Nasapok ni Archie ang noo sa pagkadismaya.
Pumasok ulit si Nadine sa loob ng classroom at natiyempuhan niya si Jethro na naghahanda pa lang umalis kausap ang isang kabarkadang kaklase. Agad lumapit si Nadine kay Jethro.
"Jethro, regarding your steak dinner invitation, is that offer still stands?" Tanong ni Nadine sa lalaking kaklase habang nilalaro ang kuwelyo ng Lacoste shirt na suot nito.
Halos hindi naman maipinta ang mukhani Archie habang pinapanuod mula sa labas ang pakikipag-usap ni Nadine sa kaklasenito.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...