MATAPOS maisagawa ang make-over ni Nadine at makapamili rin ng di iilang mga damit at gamit ay direstsong nagtungo sina Sukie at Nadine sa opisina ni George sa Elite Magazine para makita nito ang resulta ng pagbabagong-bihis ni Nadine.

Nakapangalumbaba pero nakangiti si George habang nakaupo sa mesa nito at pinagmamasdan ang sexy at sopistikadang bersiyon ng kanyang pamangkin sa harap niya.

Si Sukie naman nakatayo sa tabi ni Nadine habang isa-isang sinasabi ang detalye ng mga suot nito.

"The black mini tulip skirt is from Dolce & Gabbana. The ruffled off-the-shoulder blouse is from Warehouse. The accessories are from Forever 21 and the ankle-strap shoes are from Aldo." Pinapasadahan pa ni Sukie ng kamay niya ang mga items na kaniyang binabanggit.

"You did a good job, Sukie. I'm very well pleased." Natutuwang sabi ni George. "Baka i-propose ko na rin sa board na bigyan ka rin ng raise." Patuloy ng editor-in-chief habang tumatayo sa leather chair niya para lumakad palapit sa dalawa.

"Naku, Gee! Hindi ako tatanggi dyan." Nakatawang sagot naman ng fashion stylist.

"Are you happy with the outcome, Nadine?" Tanong naman ni George sa pamangkin.

"Very much, Tito." Nakangiting tugon ni Nadine. Halata ang kumpiyansa sa pagsagot. "I've never felt better."

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon