HINAHANGO ni Mildred ang pinakuluang pasta noodles gamit ang strainer nang dumating si Nadine. Basang-basa ang damit sa ulan. Napansin agad ito ni Mildred.
"O, bakit basang-basa ka? Hindi mo ba kasabay umuwi si Reema?" Puna nito kay Nadine.
"Biglaan kasi siyang pinabalik sa school. E, 'di ko na ho mainstay tumigil ang ulan kaya umuwi na ako." Mahinang tugon ng dalaga.
"Magpalit ka na agad. Baka magkasakit ka pa niyan. Saka sa susunod ilagay mo na 'yung payong sa bag mo pag aalis ka. Hindi naman 'yun malaking sabagal at malaki naman ang bag mo." Pangaral pa ni Mildred sa anak na hinahalo na ang sauce para sa ginagawang carbonara.
"Magpapalit lang ako ng damit, Mama." Paalam ni Nadine at tinungo na nito ang hagdan papunta sa kuwarto niya.
"Magmemeryenda ka ba?" Pahabol na tanong ni Mildred kay Nadine. "Malapit nang matapos 'to."
"Later na, Ma. Busog pa ho ako. Nilibre ako ni Reema ng milk tea kanina." Tugon ni Nadine habang umaakyat ng hagdan.
Pagkapasok sa kuwarto, nilapag muna ni Nadine sa bangko ang dalang bag saka pumasok sa banyo at isa-isang hinubad ang nabasang kasuotan. Inilagay ni Nadine ang pinaghubaran sa isang basket kasama ng iba pang mga damit na ipapa-laundry.
Napatingin si Nadine sa repleksyon sa salamin at naenganyo siyang lumapit dito. Tumitig siya sa kanyang repleksyon. Maganda naman siya kung tutuusin. Sabi nga ng nakababatang kapatid ni Archie na si Biboy, mas gusto nito ang ganda niya kaysa kay Cyndi. Napangiti si Nadine nang maalala 'yun.
Bumalik ulit sa kanya nuong gabing nasa kuwarto siya ni Archie at ang unang karanasan niya sa pagsisiping. Sinalat niya ang mga bahagi ng katawan niya na hinawakan at hinalikan ni Archie. Ang pisngi niya, ang mga labi niya, ang dibdib niya. Habang ginagawa iyon, biglang napalitan ang repleksyon sa salamin ng imahe ni Archie.
"Akala ko pa naman special ako sa 'yo, Archie. Binigay ko na nga lahat ng meron ako sa 'yo pero binaliwala mo pa rin ako." Naluluhang sabi ni Nadine sa imahe ni Archie sa salamin.
Hindi tumugon ang repleksyon ni Archie. Nakatingin lang ito kay Nadine saka unti-unting naglaho na parang usok. Hindi na napigilang mapahagulgol ng iyak si Nadine. Pinigil lang niya ang pag-iyak nang marinig na nagri-ring ang phone niya.
Nagbihis muna ng maluwag na T-shirt si Nadine bago kinuha ang phone sa bag. Alam niya agad na si Reema ang tumatawag dahil ang Rolling In The Deep na kanta ni Adele ang in-assign niyang ringtone sa number ng kaibigan.
"Hello, Reema?" Sabi ni Nadine pagkasagot sa phone habang umuupo sa gilid ng kama niya.
"Nagsinungaling ka na naman sa akin, Nadine! Bakit sinabi mo sa akin na walang nangyari sa inyo ni Archie kahit na meron?" Galit si Reema pero mahina ang boses nito. Nasa loob pa rin siya ng opisina ng Music Club at sa likod niya kumakain na ng take out na bucket ng KFC chicken ang mga kasama sa banda.
"Hindi kita maintindihan..." Pinilit na magkaila ni Nadine pero pinutol agad siya ni Reema.
"Magde-deny ka pa! Eh, kalat na kalat na ang video nyo ni Archie having sex! Kung gusto mong makita, pumunta ka sa Facebook group ng school natin. May nag-upload duon. Marami na rin ang nagse-share ng video nyo." Pagkasabi nito'y pinutol na ni Reema ang tawag sa kanya.
Nanlalamig na hindi agad nakakilos si Nadine. Kahit ayaw niyang gawin, in-activate niya ang data sa HTC phone na hawak na gamit niya. Pumunta agad sa Facebook page ng kanilang school. Nakita niya agad ang video na ina-upload ng Facebook user na may pangalang Nightmare Stalker. Pinindot niya ang video at natutop niya ang bibig niya nang makita agad ang kuha ng bukas na bintana ng kuwarto ni Archie at ang binata na mahimbig na natutulog sa comforter na nakalatag sa sahig. Saka sinundan ng pagapang niyang paglapit kay Archie. Ang kanilang masusuyong halikan. Ang kanilang pagniniig ng katawan.
Hindi rin mapigilang hindi basahin ni Nadine ang mga nagkukumento sa video.
"Ang suwerte naman ni Archie, virgin pa daw 'yung girl eh."
"She looks familiar. Akala ko mahinhin 'yan."
"Kamasutra moves! Shit!"
"Tang-ina! Mas magaling pa ako dyan, Archie! Ako na lang!"
"Can I touch your boobs, Miss?"
Nanginginig ang mga kamay na nabitawan ni Nadine ang phone. Nag-power off ito nang tumama sa sahig. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanya mukha na tila nahihiya siya sa sarili sa mga nasaksihan sa video at sa mga nagkukumento. Ano pa ang mukhang ihaharap niya pagpasok niya sa campus?
Sa labas, patuloy ang nangngangalit na mga kulog at kidlat kasabay ng malakas na buhos ng ulan na tila nakikisimpatiya sa mga taong nadawit at nasangkot sa nagba-viral na ngayong scandal video.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...