PAGKATAPOS ng English Lit, kaagad na lumabas ng kuwarto si Nadine. Sadya niyang pumunta sa cafeteria at duon niya balak kainin ang mga binalot niyang pang-almusal kanina. Pirmihan siyang nakatungo habang naglalakad sa hallway para hindi makita ang mga nakakasalubong na nakatingin sa kanya pero naririnig niya ang nag-aanasang mga bulong ng mga ito.
"Andito pala ang flirt queen ng Saint Therese." Narinig niyang boses ni Cyndi sa bandang harap niya.
Nag-angat si Nadine ng tingin at nakita si Cyndi na naglalakad papalapit sa kanya, kasunod ang lesbian friend nitong si Riz.
Nang makalapit na sa harap niya si Cyndi ay halos sukatin siya ng tingin nito. "Huwag ka nang mag-pretend na mahinhin ka. Hindi bagay sa 'yo."
Laking gulat ni Nadine nang tabigin ni Cyndi ang mga librong hawak niya. Nagkalat ito sa sahig ng hallway. Pero mas lalo niyang ikinagulat ang paghiklas ni Cyndi sa harap ng suot niyang blusa at pilit na winawarat ito.
"Ganyan! Ganyan dapat! Ilabas mo ang cleavage mo!" Nangigigil sa inis si Cyndi habang winawarat ang suot ni Nadine. Pilit siyang inawat ni Riz pero hindi nagpapigil ang galit na galit na si Cyndi.
"Tama na! Tama naaa!" Sigaw ni Nadine habang pinipiglan ang mga kamay ni Cyndi na tuluyang sirain ang damit niya.
Bahagyang natigilan si Cyndi nang makitang umiiyak na ang hinuhubaran nito. Isinalya niya palayo sa kanya si Nadine at lumagpak ito sa sahig ng pasilyo kasama ng mga nagkalat niyang libro.
"You deserve worse than that, slut!" Pag-uyam pa sa kanya ni Cyndi bago ito lumakad palayo sa kanya.
Naaawang napatingin si Riz kay Nadine pero pinili nitong sundan ang naglalakad palayong si Cyndi.
Agad na hinagilap ni Nadine ang nagkalat niyang gamit. Alam niyang pinagtitingnan siya ng mga estudyanteng nagdadaan sa hallway. Ni wala man lang lumapit para tulungan siya. Para alalayan man lang siya. Nagpipigil umiyak na tumayo si Nadine matapos makuha lahat ng gamit sa sahig. Inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat. Itinakip sa tapat ng nasirang damit ni Cyndi ang mga hawak na gamit at tungo ang noo na nagmadaling tinungo ni Nadine ang cafeteria.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...