KASAMA ni Archie ang mga kaibigan kumakain sa cafeteria ng university dahil malakas ang ulan sa labas. Halatang walang gana si Archie na tinutusok lang ng plastic na tinidor ang inorder na baked lasagna na nakalagay sa Styrofoam box.
Excited namang kinukuwento sa kanila ni Dennis ang kakalabas lang na full trailer na upcoming Mission Impossible: Ghost Protocol movie ni Tom Cruise pero wala siyang naa-absorb. Napansin na lang ni Archie na tinatawag na ang atensyon niya ng kaibigan.
"Earth calling to Archie! Hello!" Sabi pa ni Dennis habang kinakaway pa ang isang kamay sa mukha ng kaibigan.
"Huh?" Kunot-noong tiningnan ni Archie si Dennis.
"Tingnan mo 'to. Kanina pa ako salita ng salita dito wala ka palang naiintindihan." Naiinis na sabi ni Dennis.
Ibinaba muli ang tingin ni Archie sa lasagna na nilalaro niya ng tinidor. "Sorry. Ang dami ko kasing iniisip."
"Ako din naman. Kung magkaroon ako ng dalawang babae sa buhay ko, marami din akong iisipin." Sabi ni Nathan sabay kagat sa inorder niyang tuna sandwich.
Napaangat ng tingin si Archie at tiningnan ng masama si Nathan.
Si Dennis na katabi ni Nathan sa upuan di napigilang pitikin ito sa tainga. "Ikaw, Nathan! Kalalaki mong tao napaka-tactless mo!"
"Sensya na! Kayo naman. Parang 'di n'yo pa ako kilala." Sabi naman ni Nathan habang hinihimas ang pinitik na tainga.
Natawa na lang si Kurt na kumakain ng slice ng blueberry cheesecake sa batuhan ng salita ng mga kasama.
Malungkot na nagbaba ulit ng tingin si Archie.
Duon biglang tumunog ang cellphone ni Dennis. Nang makita ni Dennis kung sino ang tumatawag sa screen ng phone, kaagad niya iyong sinagot. "Hello, Babe."
Nagkatinginan sina Nathan at Kurt sa narinig. Naiintrigang nai-mouth pa ni Nathan ang 'Hello, Babe' habang nakatingin kay Kurt. Si Archie naman napatingin na rin ng tingin kay Dennis.
"Uy, Dennis! Sino 'yang bine-babe mo, ha?" Pangungulit ni Nathan sa phone call ni Dennis habang kinakalabit ito.
"Nathaniel, 'wag ka ngang magulo! Sisikuhin kita sa panga!" Sita ni Dennis sa katabi bago ituloy ulit ang pakikipag-usap sa phone.
"Kilala ba namin 'yan? Pakausap nga." Ayaw paayat ni Nathan at pilit pang kinuha ang phone na gamit ni Dennis.
Napilitan nang tumayo ni Dennis para makaiwas sa pangungulit ni Nathan. "Teka lang, Babe. Hahanap lang ako ng puwestong matino. 'Yung mga kasama ko kasing mga jejemon ang gugulo." At lumakad si Dennis sa may sulok na bahagi ng cafeteria.
"Achuchuchu! May sex life na ang mokong!" Habol na biro pa ni Nathan kay Dennis.
"Ulol!" Lingong-sagot naman ni Dennis at nag-focus na sa kausap nito sa phone.
"Gago ka, Nathan." Natatawang sita ni Kurt habang tinutuloy ang pagkain ng cheesecake niya.
Nadako ang tingin ni Archie sa glass wall window ng cafeteria at natanaw niya sina Nadine at Jethro na naglalakad sa madamo at mapunong lawn ng school. Magkasukob sila ni Jethro sa malaking payong na dala ng lalaki na panangga nila sa malakas na buhos ng ulan habang naglalakad. Para tuloy nasa isang eksena ng romantic na pelikula ang dalawa.
Pati sina Kurt at Nathan nagaya na rin kay Archie at napatingin na rin kina Nadine at Jethro na dahang-dahang naglalakad sa gitna ng ulan habang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...