NAGULAT si Nadine nang pagkasara niya ng pintuan ng locker ay makitang nakatayo na pala si Reema sa tabi niya.
"Nagulat naman ako sa 'yo, Reema." Sabi ni Nadine habang sinususian ang padlock ng locker niya.
"Nadine, nakita ko kayong dalawa ni Gio nung isang araw na nag-uusap." Diretsang tanong agad ni Reema.
"Bakit? May issue ba kung nag-uusap kami?" Kaswal na sabi ni Nadine na lumakad na palayo sa hilera ng mga lockers.
Sumunod naman sa paglalakad sa kanya si Reema. "'Yung pag-uusap n'yo ba tungkol ba sa kumalat recently na picture ni Gio sa Facebook?"
Natigil sa paglalakad si Nadine at tiningnan ng masama si Reema. "Bakit ba ganyan ka kung magtanong, Reema?"
"Eh, bakit hindi mo ako masagot ng diretso?" Pangungulit ni Reema.
Tuluyan nang nainis si Nadine sa kaibigan. "Kung may gusto kang malaman, si Gio ang kausapin mo. Wala akong time sa mga ganyan. D'yan ka na nga!" At tinalikuran na ni Nadine si Reema, tanda ng pagtatapos ng pag-uusap nila.
Tiyempong pagkaalis ni Nadine sa locker area ay palabas naman si Archie mula sa klase na pinasukan nito kasabay ang ibang estudyante. Hindi maiwasang magkatinginan ng dalawa. Akmang lalapit sana si Archie kay Nadine pero nang makita ng babae ang balak gawin ni Archie ay awtomatikong napahakbang siya palayo. Tumigil si Archie sa paglapit kay Nadine, bakas sa mukha ang lungkot.
Sa tagpong iyon, lumabas mula sa classroom si Lance na kasama din pala ni Archie sa klase. Ngumiti ito ng maluwang ng makita si Nadine at kaagad na lumapit sa dalaga. Nasagi pa nito si Archie sa pagmamadali.
"Buti nakita kita. Pupuntahan sana kita eh." Sabi ni Lance nang makalapit na siya kay Nadine.
Nang mapansin ni Nadine na nakatingin pa rin sa kanila si Archie, bigla niyang sinunggaban sa ulo si Lance at mariing hinalikan sa labi.
Napababa ng tingin si Archie na parang hindi makatagal tingnan ang ginagawa ng dalawa. Nakita rin ni Reema ang ginawang aksyon ni Nadine habang naglalakad palabas ng locker area. Disgustadong napahalukipkip sa balikat na lang si Reema habang nakatanaw sa dalawa.
"What was that for?" Gulat pero nakangiting tanong ni Lance matapos siyang halikan ni Nadine.
"Wala lang." Medyo namumula ang mukha na sabi ni Nadine. Hindi rin sigurado kung bakit niya ginawa iyon. "Bakit mo pala ako hinahanap?"
"Magpapasama sana ako mamili ng costume for the coming Halloween Ball kung wala ka nang gagawin right this minute." Paalam ni Lance sa balak nitong gawin.
"Tapos na naman ang klase ko for the day kaya puwede kitang samahan. Basta libre mo ako ng food, ha?" Sang-ayon naman ni Nadine sa pag-anyaya ng lalaki.
Napakamot ng ulo si Lance. "May kondisyon pa talaga."
Kunwaring sumimangot pa si Nadine. "Ayaw mo ba?"
"May magagawa pa ba ako. 'Lika na." At inakbayan na siya ni Lance.
Pasimpleng nilingon pa ni Nadine si Archie bago gumanti din ng akbay kay Lance at masayang nakipag-usap dito habang naglalakad palayo.
Hindi maipinta ang mukha ni Archie habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Saka lang niya napansin si Reema na nakatayo rin malapit sa locker area at nakasunod rin ng tingin kina Nadine at Lance.
Hindi nag-atubiling lumapit si Archie kay Reema. "Bakit ayaw akong pansinin ng kaibigan mo, Reema?"
"May amnesia ka na ba? Hindi ba ikaw itong unang hindi pumansin kay Nadine after kumalat 'yung video n'yong dalawa? Pareho lang naman kayo eh. Pareho lang kayong magulong kausap." Saka lumakad na rin si Reema palayo kay Archie.
Naiwan si Archie na nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at nakatitig lang sa sahig, litong-lito.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...