Hindi mapigilang hindi matawa ni Archie sa kinukuwento ng bestfriend niyang si Dennis. Naikuwento na nito sa kanya na hindi na sila nakabawi sa nakaraan laban nila sa Python Stag. Pero ang pinagtatawanan niya ay ang kasalukuyan kinukuwento nito na naging escapade ni Dennis nung nakaraang gabi kung saan may na-meet ito sa bar na isang magandang modelo. Nagkapalagayan sila ng loob habang nag-uusap at iniinom nila ang kani-kanilang inorder na alak. Hanggang magpakita na ng motibo ang magandang modelo sa kanya at yayain siya nito "to do some poking". At sino ba naman si Dennis para tumanggi?
Magkasabay silang umalis sa counter ng bar at ang babae pa ang humila sa kanya papunta sa men's room. Papasukin na sana nila ang unang cubicle na nabungaran pero meron nang nakauna sa kanila. Rinig na rinig nila mula sa loob ang halinghing ng isang babae at ang malalalim na paghinga ng isang lalaki. Mayroon pang kung anong tumama ng malakas sa pintuan ng cubicle na sinundan ng pag-ungol at mahinang pagmumura ng babae.
Nagkatinginan na lang pareho sina Dennis at ang babaeng modelo at nagkangitian. Pero bakas sa mga ngiti nila na pareho silang kinakabahan. Hinila ulit siya sa braso ng modelo at pinili nito ang cubicle sa kabilang dulo, para hindi sila maka-istorbo sa pares sa nauunang cubicle. O mas tama sigurong para hindi sila ang maistorbo.
Kaagad naghalikan ang dalawa pagkapasok na pagkapasok pa lang ng cubicle. Hinihingal agad sa pagnanasa si Dennis. Hindi din niya masisi ang sarili dahil mag-iisang buwan na ata nang huli siyang makatikim ng babae. Nangiti ang modelo sa nakitang pag-iinit ng kapareha. Sinimulang tanggalin nito ang butones ng suot na polo ni Dennis. Nang lumantad ang malapad niyang dibdib ay kaagad itong pinasadahan ng dila ng modelo paibaba. Muntik nang mabuwal sa pagkakatayo si Dennis kung hindi siya agad nakahawak sa dingding ng cubicle. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso sa sobrang kasabikan sa ginagawa sa kanya ng kapareha.
Nang sinimulang tanggalin ng modelo ang suot niyang sinturon at ililis ang suot niyang Calvin Klein na briefs para sa balak nitong gawing pag-fellatio sa kanya ay duon nangyari ang hindi inaasahan. Nautot si Dennis.
Duon napabunghalit ng tawa si Archie. Nasa kuwarto sila ngayon ni Archie sa bahay ng mga magulang nito. May nakalagay pang cast sa kanang braso niya sa rekomendasyon na rin ng kanyang doktor. May sariling condo na tinutuluyan sa may Pasig si Archie pero sa hiling na rin ng mommy niyang si Celine ay pumayag siyang pumirmi sa bahay ng mga magulang para maasikaso siya hanggang sa gumaling ang mga sakit at bugbog niya sa katawan.
"Pare naman. Kinukuwento ko ito sa 'yo hindi para pagtawanan mo lang ako." Naghihinampo na sa kanya si Dennis.
"Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa 'yo? Ulul ka! Ayun na 'yung moment na pinaka-aantay mo tapos bigla kang nagpakawala ng masamang hangin! Bad trip!" Pinipilit ni Archie na huwag nang tumawa ng malakas dahil bahagyang kumikirot sa dakong ribcage niya pag napapatawa ng malakas. Pero talagang kakaiba ang epekto sa kanya ng kaibigan pag nag-uusap sila nito.
"So, ano na nangyari? Did she still give you the head after you farted?" Nangingiting itinuloy ni Archie ang pag-uusisa sa kaibigan habang inaayos niya ang unan sa ulo niya.
"Hindi nga eh. Bigla na lang siyang napasimagot tapos tinakpan niya yung ilong niya ng kamay niya, tumingin ng masama sa akin tapos tuloy-tuloy na siyang lumabas ng men's room. Ni hindi man lang lumingon sa 'kin. 'Tang-ina, pare, akala mo bigla niyang nadiskubre na may ketong ako. Ganu'n pala ang feeling pag nare-reject ka." Naiiling-iling pa si Dennis habang nagkukuwento.
"E, di lumabas ka na rin ng men's room pagkaalis niya?"
"Ahhh..." Parang atubili si Dennis na ituloy ang kuwento.
Nainip naman si Archie sa bagal ng pagsagot ni Dennis. "Ang baduy naman nito, o! Ayaw pang sabihin sa 'kin lahat."
"E, nag-init na kasi ako nu'n kaya..." Saka sabay na inilapit ni Dennis ang kaliwang kamay niya sa tapat ng scrotum area niya at saka umaktong nagsasalsal.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...