SA MARIKINA Freedom Park dinala ni Archie si Nadine pagkagaling nila sa Saint Therese University. Opening ngayon ng carnival sa bahaging ito ng Marikina. Niyaya ni Archie si Nadine na maglaro sa isang stall kung saan puputukin gamit ng darts ang mga nakahilerang lobo. Pag nakaputok three straights in a row ng balloons ay makakapamili ang nanalo kung ano ang prize nito. Sinubukan muna ni Archie pero isang balloon lang ang tinamaan niya sa ibinato niyang tatlong darts. Pero nang si Nadine naman ang titira, tinamaan lahat ng darts na ibinato niya ang mga lobo.

Natatawang dumila si Nadine kay Archie na nakangiti namang kumakamot sa batok. Pinili ni Nadine ang malaking Mickey Mouse stuff toy bilang premyo.

Niyaya ni Archie si Nadine na sumakay sila ng ferris wheel pero tumanggi ang dalaga dahil may phobia siya sa heights.

Nakatanaw si Nadine sa napakalaki at napakaliwanag na buwan sa kalawakan nang lapitan siya ni Archie at binigay sa kanya ang binili nitong pink cotton candy na nasa stick. Hotdog namang may toppings na ketchup, mayonnaise at mustard ang pagkain binili ni Archie sa sarili.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Nadine nang tanggapin ang cotton candy bigay ni Archie.

"Okay ka na ba d'yan? Meron doong stalls na nagtitinda ng burgers or pizzas kung gusto mo?" Paninigurong tanong ni Archie.

"Okay na 'to. Hindi pa naman ako gutom." Nakangiti pa ring tanggi ni Nadine.

Tumango na lang si Archie habang kumakagat sa hotdog sandwich niya nang maramdamang nagba-vibrate ang phone niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng pantalon at napangiti nang makita sa screen kung sino ang tumatawag.

"Si Dennis." Banggit ni Archie kay Nadine kahit hindi naman ito nagtatanong. "Bigla ko kasi silang iniwan kanina sa school. Hindi ko nasabihan na kasama kita ngayon." Saka nito sinagot ang tawag na nilagay sa speaker ang phone para marinig din ni Nadine si Dennis. "O, pare!"

"Oy, gago! Sa'n ka na? Bigla kang nang-iwan. Andito na kami kina Nathan. Punta ka na dito para makapagsimula na kami ng inuman." Walang pasakalyeng sabi agad ni Dennis.

"Pass muna ako, P're. May ka-date ako ngayon." Nakangiting sagot ni Archie na tumingin pa kay Nadine.

"Huh? Sino naman?" Curious na tanong naman ni Dennis.

"Nadine, mag-'hi' ka kay Dennis." Sabi ni Archie na inilapit pa ang phone sa dalaga.

"Hi, Dennis." Medyo namumula ang mukhang sabi naman ni Nadine.

"Uy! Hello, Nadine!" Gulat na tugon naman ni Dennis.

"Sabi ko sa 'yo may ka-date ako eh." Sabad naman ni Archie na inilapit na sa kanya ang phone.

"'Tangna mo, Archie!" Natatawang sabi ni Dennis. "Anong balak mo d'yan?"

"Sira! Anong balak? Date lang 'to. Usap-usap lang kami. Dito kami sa Marikina Freedom Park." Sagot naman ni Archie.

"Ahhh. Kung gusto mo after n'yo d'yan tumuloy na kayo dito. Para maging kaibigan na din namin si Nadine." Anyaya naman ni Dennis.

Tiningnan ni Archie si Nadine para konsultahin pero nakangiting umiling si Nadine.

"Baka ako na lang ang pumunta d'yan mamaya. Ihahatid ko na rin si Nadine sa kanila in a little while." Sabi naman ni Archie.

"O, sige. Tawag or text ka na lang pag papunta ka na." At nagpaalam na si Dennis bago pinutol ang tawag.

Pagtingin ni Archie kay Nadine ay nakatingin ulit ito sa malaking buwan sa langit.

"Ang laki ng buwan, ano?" Sabi ni Archie na tumingala na rin sa buwan. "Supermoon daw tawag d'yan sabi sa news na napanuod ko kahapon. Mas malapit 'yung orbit ng buwan sa Earth kaya mas malaki sa pagkaraniwang full moon."

"Ang ganda nga eh." Sabi naman ni Nadine na parang nabibighani pa ring nakatingala sa buwan.

Lumapit nang bahagya si Archie kay Nadine. Ibinaba tuloy ni Nadine ang tingin mula sa buwan at binaling ang tingin kay Archie.

"Tawid tayo sa Marikina River Park. Mas maganda du'n natin panuorin ang Supermoon. Saka mas tahimik pa." Suhestiyon ni Archie.

Nakangiting tumango naman si Nadine.

Nilakad na lang nina Archie at Nadine ang River Park mula sa Freedom Park. Nadaanan pa nila ang malaking statue na ang tawag ay Marikit-Na pagdating nila sa River Park side habang naghahanap ng mahabang stool na mauupuan.

Nang makahanap na sila ng bangkong mauupuan ay kampanteng pumuwesto sila duon nang magkatabi. Niyakap pa ni Nadine ang napalanunang Mickey Mouse stuff toy habang tinitingan ulit ang buwan sa langit.

"Ano pala 'yung sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Nadine na hindi tumitingin kay Archie at nakatingala pa rin sa langit.

Tumingin saglit si Archie sa mukha ni Nadine saka tumikhim. "Ano kasi...Hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan."

Nagbaba na ng tingin si Nadine at tumingin na sa binatang katabi niya sa bangko.

"Tungkol ba ito du'n sa nangyari sa 'ting dalawa nung nakaraang gabi?" Diretsang tanong ni Nadine.

"No! Hindi." Tahasang tanggi ni Archie. "Kinalimutan ko na nga 'yun, to be honest."

Hindi nagsalita si Nadine. Pirmihang nakatingin lang sa mukha ng katabi.

Bumuwelo muna si Archie bago nagsalita. "Ang gusto ko lang malaman sa 'yo kung may chance ba tayo to be together."

Si Nadine naman ang nagbaba ng tingin at sinimulang laruin ang hawak na stuff toy. "Parang 'di ko yata kayang sagutin 'yang tanong mo."

"Bakit naman?" Halatang nasaktan si Archie sa sagot ni Nadine.

"Hindi ko alam kung mag-a-agree ka sa akin pero I don't think we're both ready, Archie. Parehong magulo pa isip natin. Ayokong magpadala lang sa emosyon. Baka pagsisihan ko lang." Pirming nakatingin lang si Nadine sa nilalarong stuff toy habang nagsasalita.

Napabuntong-hininga na lang si Archie. "Aantayin ko na lang hanggang maging ready ka."

"Baka mainip ka?" Nagbibirong sabi ni Nadine na tumingin na sa katabi.

"Tsss..." Nangiting sabi ni Archie habang umiiling pa at siya naman ang tumingala sa langit at tumingin sa buwan. "A-attend ka ba sa Halloween Ball?"

Ginaya na rin ni Nadine si Archie, tumingala na rin ito sa buwan. "Oo naman. Magpe-perform sina Reema eh. Ikaw?"

Ngumiti si Archie bago sumagot. "Oo naman. Kase pupunta ka."

At nadako na ang usapan nila sa costume na susuotin sa Halloween Ball pero dahil na parehong likas na malihim, ayaw mag-aminan nina Archie at Nadine kung anong costume ang balak suotin ng mga ito.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon