NAISIPANG pumunta sa bagong bukas na club sa Makati nina Nadine at Aaron. Dahil kakabukas lang ng club ay may pakulo itong foam party ng gabing pumunta duon sina Nadine. May mga foaming machine na naka-set up sa rafters para habang nagsasayaw ang crowd sa harap ng DJ ay sige ang buhos ng bubble foam sa mga ito. Maging sa stage na katabi ng DJ ay may mga malalaking mascot na may hawak na malalaking bubble gun para mag-spray sa mga crowd.

Halatang enjoy na enjoy si Nadine habang kasayaw si Aaron. Tawa ito nang tawa nang halos matabunan na sila ng bula ng kapartner. Hinahayaan din niya na lumapit sa kanya ng husto si Aaron at niyayapos siya habang sumasayaw. At kahit puro mixes ng mga David Guetta hits ang pinapatugtog ng DJ, may pagkakataon slow mo na nagsasayaw ang dalawa habang magkaharap, makadikit ang mga mukha at hindi iilang beses na nagdidikit ang mga labi.

"Aaron," halos paanas na sabi ni Nadine. "Umalis na tayo dito."

"Bakit?" Nakangiting sabi ni Aaron habang hinihipan ang bula na nasa ilong ni Nadine.

"Gusto kong mapag-isa tayong dalawa." Nang-aakit na sabi ni Nadine. "May mga ipapagawa ako sa 'yo."

Napatitig si Aaron sa mukha ng kasayaw at kaagad niyang nabasa sa mukha ni Nadine ang nais nitong mangyari.

Ang kasunod na eksena ay ang mabilis na pagtigil ng sasakyan ni Aaron sa parking ng isang maliit na motel malapit lang sa club. Halos patakbo pang pumasok sa loob ng motel sina Aaron at Nadine. Parang bata humahagikhik pa si Nadine habang nakikipaghabulan ng takbo kay Aaron.

Pagkakuha ng kanilang susi at room number sa attendant sa lobby ay nagtatakbo ulit ang dalawa habang pumapanhik ng hagdanan papunta sa assigned room nila. Napailing na lang ang attendant habang hinahabol sila ng tingin.

Hindi pa man nabubuksan ang pintuan ng silid nila ay hindi na magkandaugaga sina Aaron at Nadine sa pagtatanggal ng kanilang mga damit habang halos hindi mapaghiwalay ang mga labi.

Mapangahas si Nadine. Siya ang kumubabaw sa katawan ni Aaron at ang mapaglarong mga labi at dila ang siya niyang ginamit para makiliti at lalong makaramdam ng libog ang kaulayaw.

Pero hindi na rin nakatiis si Aaron. Siya na ngayon ang kumubabaw kay Nadine at mapaangkin ang ginawang paghalik at pagdila sa katawan ng dalaga. Impit na napahalinghing si Nadine sa sarap na pinaparanas sa kanya ng lalaki.

Dinukot ni Aaron ang pakete ng Durex sa bulsa ng pantalon at gamit ang mga ngipin ay pinilas niya ang pakete para maisuot na ang condom sa kanyang naghuhumindig nang ari at tuluyan nang inangkin ang nagpapaubayang katawan ni Nadine.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon