NAKARATING sina Nadine at Archie sa isang low-class hotel sa may Cubao. Kabado si Nadine sa binabalak gawin. Pero ano pa bang magagawa niya ganitong napasubo na siya. Saka nanaig sa kanya ang kagustuhan makaganti sa ginawang pananakit sa kanya ni Archie. Gusto niya itong masaktan sa paraang alam niya.

"Hindi ko alam kung bakit dito mo pa napiling pumunta, Nadine," sabi ni Archie habang nilalagay ang mga gamit nila sa ibabaw ng mesita. "Ang gusto lang naman talaga ay mag-usap tayo."

Nakatalikod kay Archie ay sinimulang hubarin ni Nadine ang blusang suot. Gulat na napatingin si Archie kay Nadine, hindi nito inaasahan na magiging ganitong ka-agresibo ang babae.

Humarap lang si Nadine kay Archie nang matanggal na ang lahat ng suot maliban sa kanyang laced panties saka dahan-dahang lumapit sa binata.

"Nadine..." May pag-alala sa tinig ni Archie habang nakatingin kay Nadine.

"Huwag mong sabihin ngayon ka pa maduduwag, Archie." Nakangiting sabi ni Nadine saka hinalikan ang di pa rin makapaniwalang binata.

Hindi nagtagal, nadarang na rin ang binata sa ginagawa ni Nadine at gumati na rin ng halik.

Si Nadine pa ang nanghatak sa lalaki papunta sa kama at iginupo duon ang kanilang katawan.

Inangat ni Archie ang mukha kay Nadine at pinigilan ang kamay nitong nagmamadaling tanggalin ang butones sa polong suot niya. "Nadine, I think we're going too fast. All I wanted is for us to talk."

Sumeryoso ang mukha ni Nadine. "Huwag mo akong pahiyain, Archie. Magagalit ako." Sabay hatak sa mukha ni Archie para muli itong halikan sa labi.

Umibabaw na si Nadine kay Archie para tuluyan nang hubarin ang suot nitong polo. Sinunod namang tanggalin ni Nadine ang jeans na suot ng lalaki habang panay halik sa dibdib at tiyan ni Archie. Ang binata naman parang nakakulong sa nakasasabik na puwersang dinudulot ni Nadine at walang magawa.

Nang tuluyan na niyang mahubad ang jeans ni Archie, tumayo saglit si Nadine at nasisiyahang pinagmasdan ang binatang nakahiga pa rin sa kama.

"Exciting yung gagawin natin ngayon, Archie." Nakangiting sabi ni Nadine at tinungo ang sariling gamit para kunin ang mga pinamili niya sa sex toys store.

Itinukod ni Archie ang mga siko sa kama para tingnan ang kinukuha ni Nadine. Nang makita hawak-hawak ni Nadine ang mga handcuffs, bondage rope, blindfold mask at flogger ay agad nakaramdam ng pag-aalala si Archie.

"Kailangan ba nating gamitin 'yang mga 'yan?" Tanong ni Archie habang nakatingin sa mga hawak ni Nadine.

"Bakit naman hindi?" Sabi ni Nadine na tiningnan pa ang mga items na hawak ng mga kamay niya. "Enjoy 'to, Archie. Promise!"

"Hindi ko trip 'yang ganyan, Nadine. 'Di bale na lang." Sagot ni Archie na kumilos para tumayo sa higaan.

Binitawan ni Nadine sa gilid ng higaan ang mga hawak at agad na pinigilan ang tangkang pagtayo ni Archie sa kama. "Try lang natin, Archie. Malay mo magustuhan mo rin. Please?" Pinaamo pa ni Nadine ang mukha at hinalikan sa labi si Archie.

Napabugtong-hininga na lang si Archie. Di kayang balewalain ang karisma ni Nadine.

Ikinawit ni Nadine ang dalawang kamay ni Archie sa kama gamit ang handcuffs saka niya tinalian ng lubid ang dalawang paa nito. Huli niyang isinuot ang blindfold mask sa lalaki.

Pinagmasdan saglit ni Nadine ang hitsura ni Archie na nakatanikala ang parehong mga kamay at paa sa pagkakahiga sa kama saka pinuntahan ulit ang kanyang gamit para kunin ang dalang cellphone.

Kaagad niyang nilagay sa camera mode ang phone at itinapat ang hawak na phone kay Archie. Napabalikwas si Archie nang marinig ang shutter ng camera sa phone ni Nadine.

"Nadine?" Nasa boses ni Archie ang realisasyon. "Sa 'yo nanggaling ang viral photo ni Gio? Shit!" At sumabog na ang galit sa dibdib ng lalaki. "Ganito ba ang gusto mo, Nadine? Ipapakalat mo rin ang litrato ko? Ipapahiya mo rin ako?"

"Hindi ba ganu'n naman dapat?" Garalgal ang tinig ni Nadine sa pag-iyak. Sumabog na rin sa dibdib ang kinikimkim na emosyon. "Masyado akong nasaktan sa ginawa mo, Archie."

"Pero iba ako kay Gio, Nadine! I care for you!" Paliwanag naman ni Archie.

Hindi nakapagpigil si Nadine at malakas na sinampal si Archie. "Napakasinungaling mo! Kita ko 'yung mga palihim mong tingin kay Cyndi habang kausap mo ako! 'Tapos sasabihin mo 'I care for you'? Sinong niloko mo?"

"Confused lang kasi ako." Pagpapaliwanag ni Archie.

Lalong naiyak si Nadine. Hindi katanggap-tanggap sa kanya ang sagot ng lalaki.

"Alam ko nalalabuan ka sa mga sinasabi ko, pero 'yun talaga nararamdaman ko. Siguro nga may gusto pa rin ako kay Cyndi pero pilit ko nang binubura 'yon. Ang sigurado lang ako ngayon, mahalaga ka sa akin, Nadine. At ayoko sanang mauwi tayo sa ganito." Patuloy pang paliwanag ni Archie.

Nagbaba ng tingin si Nadine at pinahid ang mga pisngi niyang basa ng luha. "Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa 'yo, Archie."

"I understand. I treated you unfairly, Nadine after the night we spend together inside my room and nu'ng nag-viral yung video natin. Hindi man lang kita nagawang kamustahin. I guess I deserve this." Nagsisimula na ring manginig ng boses ni Archie.

"Hindi na kita pipigilan, Nadine. Gawin mo na kung anong gusto mo." At tuluyan nang napaiyak si Archie.

Nabagabag si Nadine nang makita niyang umiiyak si Archie saka niya tiningnan ang litraro kinuha niya sa screen ng phone. "Hindi ko 'to kaya." Naiiyak muli niyang sabi sabay delete ng photo niyang kuha.

Kaagad niyang hinagilap ang mga hinubad na damit at nagmamadaling nagbihis.

Nakaramdam naman agad si Archie kahit naka-blindfold siya. "Aalis ka na?"

Nang makapagbihis, nilapitan ni Nadine si Archie sa kama at kinabig ang ulo nito't hinalikan sa noo ang lalaki. "I'm sorry." Saka niya biglang kinalas ang isang handcuff sa kamay ni Archie saka mabilis na himamig ang kanyang mga gamit at nagtatakbo palabas ng silid.

Sa sobrang pagkabigla sa mga nangyari ay hindi pa rin magawang kumilos ni Archie para tanggalin ang mga natitirang nakagapos sa kanyang katawan.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon