SA art class, tuon ang konsentrasyon ni Nadine sa pinipintang mariposang nakadapo sa bulaklak. Pero ang katabi niyang si Gio blangkong-blako pa ang canvas. Naghahalo ito ng pintura sa paleta pero pirmihan kay Nadine nakatingin, pangisi-ngisi pa.
Ramdam ni Nadine na kanina pa tumitingin si Gio sa kanya at wala yatang balak magpinta. Gusto na tuloy niyang isumbong sa propesor nila.
Tumigil si Nadine sa pagpipinta at masamang tiningnan ang katabi.
"Wala ka bang gagawin sa buong klase natin kung hindi ang panuorin lang akong magpinta?" Kahit galit ay mahina pa rin ang boses ni Nadine, ayaw niyang makaistorbo kay Propesor Hernandez at sa mga kapuwa kaklase nila sa art class.
Lalong ngumisi si Gio at bahagya pang lumapit kay Nadine. "Masama bang tumingin? Gusto ko lang magkaroon ng inspirasyon sa ipipinta ko."
Tuluyan nang nalagot ang pisi ni Nadine. "Propesor!" Itinaas pa ni Nadine ang kamay.
Lumayo si Propesor Hernandez sa pagtingin sa pinipinta ng isang estudyante at lumapit agad kay Nadine.
"May problema sa pinipinta mo, Ms. Remetrio?" Tanong agad ng propesor.
"Baka puwede sanang lumipat ng puwesto. Naiilang ako sa katabi ko." Sabi ni Nadine na iniiwasang tumungin kay Gio.
"Bakit? Inaalaska ka ba ng simpatikong lalaking ito na hanggang ngayon ay wala pa rin laman ang kanyang canvas?" Tinapik pa ni Propesor Hernandez ang puting-puti sa linis na canvas ni Gio.
"Propesor Hernandez, please?" Pagmamakaawa na ni Nadine.
"Alright. Alex!" Sabay turo ni Propesor sa lalaking pinapanuod niya ang pagpipinta kanina. "Switch places with this young lady here. Hop! Hop!" Sinabayan pa nito dalawang beses na palakpak ang instructions.
"And Giovanni, may I remind you, this is an art class. Not 'staring-your-seatmate-until-she-melts' class." Sabi naman ng propesor kay Gio habang nagpapalit ng puwesto sina Alex at Nadine.
Mahinang nagtawan ang mga estudyante sa himig-pagbibirong usig ng propesor kay Gio. Natatawang napailing na lang ang binata habang pinapanuod ang paglipat ng puwesto ni Nadine.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...