SA MR. JONES nilang napagkasunduang kumain. Sa may glass walled na tanaw ang al fresco area nila napiling pumuwesto. Natitigilan sina Archie at Dennis habang tinitingnang kumain si Nathan dahil mabilis nitong nauubos ang Superman Burger at fries na inorder nito.
"Sabi ko sa inyo, gutom ako eh." Nakangiting sabi nito habang sumisipsip ng vanilla milkshake.
Napailing na lang si Archie habang sinusubukan ang inorder niyang Tater Tots na may kasamang jalapeño cheddar dip. Isusubo na sana niya ang potato balls nang mapadako ang tingin niya sa labas. Saktong nakita niyang naglalakad sina Sukie at Nadine. Parehong maraming bitbit na shopping bags ang dalawa at mukhang masayang nagkukwentuhan. Hindi nadako ang tingin ng dalawa sa loob ng restaurant kaya hindi siya napansin ng mga ito at patuloy lang sa paglalakad.
Pero hindi makasiguro si Archie kung si Nadine ba talaga ang nakita niya. Mukha kasing napaka-sexy at sopistikada ng suot at kilos nito.
Napansin na rin ni Dennis na parang nakatulalang nakatingin sa labas si Archie at natigil na rin sa pagkain ng burrito platter na order niya. "May nakita kang kakilala sa labas?"
"Si Nadine yata yung nakita kong dumaan." Pag-amin ni Archie.
"Yata? Bakit parang hindi ka sigurado?" Tanong naman sa kanya ni Nathan.
"Parang ang laki ng ipinagbago eh. Parang si Cyndi kung manumit. Sexy yung suot. May make-up. May mga accessories na suot." Isplika ni Archie.
Parehong nakatingin lang kay Archie sina Nathan at Dennis.
Napapangiting umiling na lang si Archie. "Hindi. Hindi si Nadine 'yun." Pangungumbinsi ni Archie sa sarili na tinuloy na ang pagkain sa inorder nito.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...