NAG-TAXI si Nadine pabalik sa condo ng Tito George niya sa Taguig. Habang binubuksan niya ang pinto gamit ang duplicate keys na dala niya, nakarinig si Nadine ng pag-uusap na nanggagaling sa loob ng unit ng tito niya.
Saka lang luminaw ang mga boses nang mabuksan na niya ang pinto. Nabosesan niya ang Tito George niya at si Luke na may masayang kakuwentuhan na babae. Nakaramdam ng masamang kutob si Nadine. Tinungo niya ang dining area ng condo unit para kumpirmahin ang suspetsa niyang may-ari ng boses.
At bilang kumpirmasyon, bumungad sa kanya ang Mama niyang si Mildred na pumipiraso sa roast chicken na nakalagay pa sa tray at nilalagyan ang platitong hawak ng Tito George niya at masaya ang dalawang nagkukuwentuhan. Si Luke naman naglalagay ng chardonnay sa mga wine glasses habang sumisingit sa usapan ng dalawa habang ang Pomeranian na alaga ng mag-partner na si Queenie ay naglilikot sa ilalim ng mesang kinapupuwestuhan ng mga ito.
Si George ang unang nakapansin sa dalaga na pinapanuod na pala sila. "Nadine, buti dumating ka na! Si Mama mo 'yung nagluto ng dinner natin ngayon. In fairness, puwedeng itapat sa roast chicken ng Kenny Rogers."
Nakita ni Mildred na parang hindi natutuwa si Nadine na nakita siya pero hindi niya ito pinansin. "Di ba thigh part ang gusto mo? Ipaghihiwa na kita, ha?" Sabi pa ni Mildred na aktong hihiwain na ang nabanggit na parte ng chicken gamit ang utility knife na hawak.
"Busog pa ako." Simpleng tugon ni Nadine saka tumalikod at mabilis na nilakad ang pinto palabas.
Kaagad bumakas ang bagabag sa mukha ni Mildred. Binitawan nito ang knife. "Sandali lang, George, ha?" Tinapik pa ni Mildred ang balikat ng nakababatang kapatid bago sinundan si Nadine.
Bigla namang sumunod si Queenie kay Mildred at inunahan pa siya sa paglabas nang buksan niya ang pinto ng condo unit. Pati sina George at Luke ay napasunod na rin.
Tinakbo nang aso ang pasilyong nilalakaran ni Nadine at humarang ito sa harap niya nang tumatahol. Saka prente itong umupo na parang binabantayan kung susubukan ba ni Nadine na takasan ito.
Pagtingin ni Nadine sa kanyang likuran ay nakita niya ang Mama niyang si Mildred na dahan-dahang lumalakad palapit sa kanya.
Ipinahalata na ni Nadine ang pagkainis. "Bakit ka ba bumalik dito?"
Natigil sa paglakad si Mildred. Nabahiran agad ng lungkot ang mukha. "Pumunta ako para humingi ng paumanhin sa 'yo, Nadine."
Inismiran lang siya ni Nadine.
"Nagkausap na kami ng Tito George mo. Kinuwento niya sa akin 'yung nangyari sa 'yo habang nasa poder ka niya. Sinabi ko din sa kanya 'yung nangyari tungkol sa ating dalawa. Maraming ipinaintindi sa akin ang Tito George mo." Patuloy na kuwento ni Mildred.
"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Ma?" Inip na putol ni Nadine sa mga pasakalye ng ina.
Sinikap pigilin ni Mildred ang pag-iyak sa harapan ng anak. "Ang laki pala ng naging kasalanan ko sa 'yo. Masyado kitang sinakal ng mga sariling paniniwala ko. Hindi ko alam na hindi ka na pala makagalaw dahil masyado na kitang hinihigpitan. Hindi ko kasi alam. I was too oblivious. Pero gusto kong baguhin 'yun. Sana bigyan mo pa ako ng chance."
Sa sobrang emosyon ay hindi napigilan ni Mildred na mapaluhod sa pasilyo. "I'm really sorry, Nadine. Patawarin mo na ang Mama."
Wala tigil rin ang agos ng luha ni Nadine habang tinitingnan ang anyong pagmamakaawa ng ina.
Inaasahan naman ni Mildred na hindi agad matatanggap ni Nadine ang paghingi niya ng tawad kaya napahagulgol na lang siya. Pero likas pa rin ang pagkamabuting anak ni Nadine. Nilapitan niya ang ina at sinamahan ito sa pagluhod saka yumakap ng mahigpit dito.
"I'm sorry, too." Mahinang banggit ni Nadine habang nakayakap sa ina.
Kaagad namang gumanti ng mahigpit na yakap si Mildred sa anak.
"Ate, Nadine! Balik na tayo sa condo." Sabi ni George habang nagpupunas din ng luha. "Lalamig na 'yung roast beef. Hindi na 'yun masarap pag malamig na."
Binibirong siniko naman ni Luke ang ka-partner. "Give them their moment, will you not?"
Pero tumayo na rin sa pagkakaluhod sa pasilyo sina Nadine at Mildred at makaakbay ang dalawa na pumasok sa condo unit kasabay sina George at Luke pati ang Pomeranian na si Queenie.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...