ANG HINDI alam nina Nadine ay nakikita sila ni Gio habang sumasakay sila ni Reema sa kotse ni Jethro. Nakaparada ang kotse ni Gio sa kabilang kalye at tahimik na naninigarilyo habang pinapanuod si Nadine na pumuwesto sa passenger's seat sa harap at ang kaibigan nitong si Reema ay sa backseat ng kotse pumuwesto.

Hinintay muna ni Gio na makaalis ang kotseng sinasakyan nina Nadine saka nito initsa ang hawak na sigarilyo sa bintana ng sariling kotse at pinaandar na rin ito ang minamanehong kotse paalis.

Nang makabalik si Gio sa sariling condo, naghagilap agad siya ng beer in can sa kanyang fridge. Nilagok niya ang laman sa lata ng serbesa sa isang inuman saka niya nilakumos ang lata ng beer at malakas itong ibinato sa malapit na trash bin.

Ngumiyaw ang Persian cat niyang si Opal na nakapuwesto ulit sa bean bag chair dahil sa ingay na ginagawa niya.

Natuon ang pansin niya sa mga darts na nakatusok sa nakasabit na board sa dingding. Kinuha niya ang mga darts, dumistansya ng lakad palayo sa board saka isa-isang binato ang mga hawak na darts. Naka-score naman siya ng two single bullseye at one double bullseye.

Nang kinukuha niya ang mga pinakawalang darts sa board nagawi ang tingin niya sa ipinintang larawan ni Nadine na nakakabit na ngayon sa easel sa tabi ng bintana. Sinubukan niyang i-restore ang nasirang parte ng larawan nang masabuyan niya ito ng serbesa pero hindi na niya magawa.

Madilim ang mukha na lumapit siya sa larawan dala-dala ang mga darts. Pinagmasdan niya muna ito sandali bago sinimulang ibato dito ang mga hawak na darts at ginawang dartboard ang nakapintang larawan ni Nadine. Nakahilerang patayong tumusok ang mga darts sa ilong bahagi ng mukhang nakapinta.

Habang pinagmamasdan ang kanyang ginawa, unti-unting ngumisi si Gio na parang may bigla itong naisip na di kaaya-ayang plano.

Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon