NAIWAN nang mag-isa sa kuwarto si Nadine at tanging ang lampshade lang sa tabi ng kama nito ang ilaw na bukas. Naririnig niya nagbubulungan sina George at Luke sa kabilang kuwarto at manaka-naka'y hahagikhik ng malakas si George. Nangingiti si Nadine habang pinapakinggan ang bulungan ng dalawa.
Mapapatingin sa lampshade na nakapatong sa sidetable si Nadine at bigla nitong maalala ang kakaibang lampshade sa loob ng kuwarto ni Archie na may iba't ibang hugis ng pailaw na bilog na umiikot. At kasunod niyang maalala ang masusuyong ngiti sa kanya ng lalaki, ang malamlam na tingin ng mga mata, ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya, ang mga labing humahalik sa kanya.
Mabigat ang dibdib na pinatay niya ang lampshade. Malalim ang sugat na nilikha sa kanya ni Archie at ng mga pangyayaring kaakibat ng gabing iyong nagsiping sila. Pero gagamitin niya ang sakit na nadarama para makapagsimula siya. Kaya nga hindi siya makahintay na mag-umaga na para masimulan na niya ang mga gagawin niyang pagbabago sa buhay niya. Gugulatin niya silang lahat.
Puno ng pag-asam sa umagang darating na tinanaw ni Nadine ang kalahating buwan na nakasilip sa bintana ng kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...