SA GREENBELT na dinala ni Sukie si Nadine para maraming boutiques siyang mapagpilian para sa wardrobe make-over niya. Lahat na ata ng well-received local and international brands pinasok nila. Ang naging sistema ni Sukie, pipili siya ng mga apat na terno at papapiliin si Nadine kung alin duon ang gusto niya. Syempre, ita-try din ni Nadine ang mga suggested wardrobes ni Sukie at sisilipin siya ni Sukie sa fitting room para husgahan kung bagay kay Nadine ang napili nito. Mapapansin rin na karamihan sa napipili ni Nadine ay mga sexy pero elegante pa rin tingnan na mga outfits. Mula accessories, klase ng denim at shoes ay para silang nagbe-brainstorm ni Sukie.
Pumunta din sila ng salon para ayusin ang hairstyle at make-up ni Nadine. Tinulungan siya ni Sukie na pumili ng nababagay na hairstyle mula sa catalogue. Pati na rin hair color. Ayaw paputulan ni Nadine ang natural straight hair niya kaya napagkasunduan nila ng hairstylist na bigyan siya ng wavy na hairstyle at plum brown na color para sa buhok.
Nilagyan din si Nadine ng matte red lipstick, kaunting rouge sa pisngi, waterproof mascara at iba pa. Nagpa-foot massage at pedicure muna si Sukie habang hinihintay matapos ang pag-aayos kay Nadine.
Matapos ayusan ang dalaga, kaagad siyang sinipat ni Sukie. "You look stunning, Nadine. Matutuwa ang tito mo pag nakita ka."
Tiningnan ni Nadine ang sarili repleksyon sa salamin. Hindi siya makapaniwala sa transformation niya. Parang nabura na ang dating Nadine. Paniguradong magugulat ang mga kakilala niyang makakakita sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomansLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...