NATAPOS na ang programa at isa-isa nang nag-aalisan sa loob ng ampitheater ang mga nanuod. Medyo magulo pa sa stage at kasalukuyang nagliligpit ng mga ginamit na instrumento ang bandang Sound Iskool. Mula sa stage, natanaw ni Reema na tumayo na mula sa front seats sina Nadine at Gio at palakad na papalabas ng La Jota. Nakaakbay naman ngayon si Gio kay Nadine habang naglalakad pero sa laking pagtataka ni Reema ay pinababayaan lang siya ni Nadine.
Ano kayang nangyayari sa babaing 'yun? Kunot-noo si Reema na tinakbo pababa ang stage para mahabol sina Gio at Reema.
"Nadine!" Tawag ni Reema sabay hawak sa braso ng kaibigan.
Natigil sa paglalakad sina Nadine at halata namang nainis si Gio sa biglang pagsulpot ni Reema. Magkasalubong ang mga kilay nito na tinanggal ang pagkakaakbay kay Nadine at tiningnan ng masama ang bagong dating.
Pero sadyang di siya pinansin ni Reema at kay Nadine lang ito nakatingin. "Okay lang ba sa 'yo kung antayin mo ako? May short meeting lang kami ng mga ka-banda ko and then sabay na tayo umuwi. Promise, it won't take long." Itinaas pa ni Reema ang kanang kamay na parang nanunumpa.
Sasagutin sana siya ni Nadine pero inunahan na siya ni Gio. "Lumugar ka nga, Rita! Hindi mo ba nakikita? We're on a date!"
Inis nang tumingin si Reema sa kanya. "My name is not Rita. It's Reema, you jerk! Saka si Nadine ang kinakausap ko, hindi ikaw! Kaya 'wag kang magpapansin d'yan!"
Sasagot pa sana ulit si Gio pero biglang bumaling sa kanya si Nadine sabay patong ng kamay nito sa balikat niya.
"Gio, pagbigyan na natin yung kaibigan ko." Malumanay at may halong lambing na sabi ni Nadine. "Besides, yung meeting nila ng ka-bandmates niya, usually mahaba na 'yung fifteen minutes. Puwede pa siyang sumabay sa atin sa car mo sa paghatid sa akin since malapit naman yung bahay ni Reema sa may amin."
Hindi pa natatapos magsalita si Nadine ay parehong nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya ang dalawa.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Paangil na pagkontra ni Gio sa gustong mangyari ni Nadine.
"Dahil sinabi ko." Malumay pa rin ang boses pero ramdam mo na hindi magpapatinag si Nadine. "Nag-agree akong makipag-date sa 'yo on the condition na magpapakabait ka. Eto na 'yung tyansa na gawin mo yun, Gio."
Halos hindi maipinta ang mukha ni Gio habang nakatingin kay Nadine at pinoproseso ang kondisyones nito sa kanya. "Shit!" May halong pagtitimpi na sabi nito sabay lakad palabas ng ampitheater.
Napapailing na sinundan ng tingin ni Nadine ang papalayong ka-date saka binalingan na ulit ang kaibigan. "Sundan ko lang 'yun at baka tuluyan magtampo, hindi na tayo tuluyang ihatid. Antayin ka na lang namin sa car niya. Naka-park kami sa gilid lang nitong ampitheater."
Concerned na nakatingin sa kanya si Reema, "Nadine, okay ka lang ba? Para kasing so out of character yung ginawa mo ngayon. Sa dinami-dami ng mga eligible guys dito sa campus, dun ka pa sa hambog na 'yun nakipag-date. Baka ginayuma ka nung mokong na 'yun, ha?"
Natawa si Nadine sa tinuran ng kaibigan, "First time ever akong naglakas-loob makipag-date sa lalaki, kung anu-ano naman ang iniisip mo. 'Di ka ba proud? Natututo na akong lumabas sa lungga ko."
Para namang may sinisipat sa mukha niya si Reema. "Hindi naman siguro dahil sa hindi pagpansin sa 'yo recently ni Archie kaya bigla mong naisipang isama dito 'yung salot sa earth na lalaking 'yon?"
Natigilan si Nadine sa pang-uurirat ng kaibigan. "Bakit naman biglang isiningit mo si Archie sa usapan?"
"I'm just concerned. Akala mo hindi ko nakita. Pero kahit kumakanta ako sa stage kanina, pansin ko panay sulyap mo sa puwesto nina Archie kahit panay kang kinakausap nung ka-date mo." Diniretso na siya ni Reema.
Medyo namula ang mga pisngi ni Nadine. "Napatingin lang ako sa kanila pero hindi madalas." Pagkakaila niya. "Syempre popular siya sa school so hindi mo maiiiwasan 'yun."
Napaarko ang kilay ni Reema, halatang 'di ito naniniwala.
"Hay naku! Hindi kita pipilitin kung ayaw mo." Nag-galit-galitan si Nadine para hindi mapansin ni Reema ang pamumula ng mukha niya. "Puntahan ko na si Gio sa car niya at baka mag-tantrum pa ulit 'yun. Puntahan mo kami agad after ng meeting n'yo."
Nakakailang hakbang pa lang si Nadine palabas nang magawi ang tingin niya sa kinapupuwestuhan nina Archie na hindi pa rin lumalabas sa loob ng ampitheater.
Pinipicturan ni Nathan sina Cyndi at Archie habang magkayakap ang dalawa gamit ang bagong Samsung Galaxy Nexus na kanina pa nito pinagyayabang. Pero imbes sa camera phone tumingin, sa kanya pirmihang nakatingin si Archie.
"Archie, my man! Hindi ka na naman nakatingin sa camera! Sino ba kasi ang tinitingnan mo d'yan sa may aisle?" Bulalas ni Nathan ng tingnan sa screen ang resulta ng picture na kinuha.
Awtomatikong napatingin din si Cyndi kung saan nakatingin si Archie. Nang makita nitong si Nadine pala ang nakapukaw ng atensyon ng nobyo, sumimangot ito at bahagyang malakas na hinapas ang braso ni Archie. "Babe naman eh! Nakakailang picture na si Nathan sa atin, di mo pa rin inaayos ang kuha mo. Huwag ka na kasing magtitingin sa kung anu-ano!"
Agad kumalas ng tingin si Archie kay Nadine at binalingan ang nobya. "Sorry, babe." Sabi nito sabay halik sa pisngi ni Cyndi. "Gutom na kasi ako kanina pa kaya madaling ma-distract." Kay Nathan naman ito bumaling. "Pards, sorry! Isa pang kuha, please?"
Sapat na ang nakita ni Nadine para magtatakbo siya palabas ng ampitheater. Hindi niya pansin na ang isa sa mga kabarkada ni Archie na si Dennis ang nakatingin sa kanya habang tumatakbo siya palayo.
BINABASA MO ANG
Pinakatatagong Lihim (COMPLETED)
RomanceLihim na itinatangi ni Nadine ang popular heartthrob na college jock at star basketball player sa school nila na si Archie. Ngunit meron nang nobya si Archie, ang equally popular na student babe na si Cyndi. Pero hindi lang iyon ang problema ni Nadi...