Dahyun's Pov:
"Yaya Kimberly!" Payapa akong nakamasid sa balcony ng mansion nang marinig ko ang boses ni Hatdog.
"Hatdog, pagod na si Yaya Kimberly mo. Later na lang kayo mag-play. Okay?" Boses naman ni Sana ang narinig ko.
"Pero Mommy Sana..." Pag-ungot ni Hatdog habang pinipilit hilahin si Yaya Kimberly para maglaro muli.
"Ay! Anong sinabi ko sa pagiging makulit masyado, Hatdog? Pagpahingahin mo muna ang Yaya Kimberly mo. Later na lang kayo magplay ulit."
"Ma'am Sana, buhay pa naman po ako. Sa tingin ko, kaya ko pa ng isang laro." Sambit ni Yaya Kimberly na halata namang pagod na pagod na sa sobrang pakikipaglaro kay Hatdog.
"Anak, gusto mong ako naman ang makipaglaro sayo?" Extra ko sa kanila na agad namang napatingin sakin.
"Yey! Yes, Please!" Cheerful na sagot ni Hatdog sakin.
"Dahyun, are you sure? Kauuwi mo lang galing trabaho." Nag-aalalang tanong ni Sana sakin.
"Sana, naiintindihan ko naman na nag-aalala ka para sakin pero huwag kang mag-alala. Para kay Hatdog, I can do everything and anything."
"Pero 5 years old na ang anak natin, Dahyun. Kailangan din niyang maintindihan na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya kaagad."
"Exactly, Sana. 5 years old pa lang ang anak natin, hayaan natin siyang i-enjoy ang pagkabata niya."
"Ini-spoiled mo na naman ang anak natin kaya ang kulit-kulit."
"Ssshhh. Sana, pagbigyan mo na si Hatdog. Mabilis ang panahon, baka isang araw ay hindi mo na mamalayan na dalaga na ang anak natin. Habang bata pa siya, i-enjoy din muna natin na makita siyang ganyan na masayang maglaro."
"Hmmm. Sa bagay, tama ka. Masyado siguro akong naghihigpit kay Hatdog." Napahinga nang malalim si Sana.
"Babe, Listen to me. Wala ka namang kasalanan. Naiintindihan ko na gusto mo lang din mapalaki natin nang maayos si Hatdog."
"Salamat sa pagremind sakin na bata pa lang si Hatdog. Nagwo-worry kasi ako na baka hindi ko nagagampanan nang maayos ang role ko bilang nanay niya."
"Tsk. Huwag mong isipin 'yan, Sana. Kitang-kita ko kung paano mo mahalin ang anak natin. Maaaring palaging nandyan si Yaya Kimberly para alagaan ang anak natin sa tuwing busy tayo pareho. Believe it or not, proud na proud ako sayo. You're doing your best, Babe."
"Thank you, Dahyun." Hinalikan ko siya sa forehead para i-assure siya na proud na proud ako sa kanya.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo, Sana. Noong mga panahong wala ako sa tabi niyo ni Hatdog, nanatili kang matatag."
"Alam kong babalik ka. Alam kong hindi mo kami pababayaan ng anak natin. Maraming salamat sa pagbalik, Dahyun."
"Hindi ko na ulit kayo iiwan. Mananatili ako sa tabi niyo ni Hatdog sa bawat pagsubok, lungkot, o saya."
"Let's play." Napalingon kami kay Hatdog. Muntik ko nang makalimutan na makikipaglaro nga pala ako sa anak ko.
"Okay, Anak. Anong gusto mong laruin?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...