144 : Isang Taon

321 17 73
                                    

"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan
Hindi papabayaan na ako'y magisa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda
Bakit bigla ka nalang nanjaan
Sa kabilang buhay." 🎶🎶🎶

Sana's Pov :

"Congratulations!" Pagdidiwang ng lahat sa pagbubukas ng sariling restaurant ni Momo.

Sa paglipas ng isang taon, marami na ang nagbago. Pinagmasdan ko ang lahat na abala sa pagsasaya.

Meron nang sariling restaurant si Momo. Hindi na siya yung palaging naghahanap ng trabaho, siya na yung nagbibigay ng trabaho ngayon.

"Maraming salamat sa pagpunta niyong lahat. Dahil malakas kayo sakin, eat all you can ngayong espesyal na araw na 'to!" Paga-anunsyo ni Momo dahilan para magsihiyawan ang lahat dahil sa saya.

"Huwag kayong maniwala. Papabayaran 'yan sa inyo ni Momo bukas. Tingnan niyo." Pagbibiro ni Tzuyu dahilan para magbackhug sa kanya si Momo.

"Hindi kaya. Palabiro talaga 'tong girlfriend ko, Guys. Palibhasa boss na siya ng family business nila." Sabi kaagad ni Momo kay Tzuyu na natawa na lamang.

Ipinaubaya naman ni Mina kay Tzuyu at sa Mom nila ang pagha-handle sa family business nila. Mas pinili niyang magtayo ng sariling ballet school dahil 'yun talaga ang gusto niyang gawin.

"Dapat si Tzuyu 'tong nanlilibre eh." Pabiro namang sabi ni Mina na siyang nakaupo sa isang tabi kasama si Chaeyoung.

"Mina Unnie, Ikaw ang dapat manlibre. Mas bongga ka ngayon eh. Tingnan mo. May sarili ka nang ballet school ngayon." Sagot ni Tzuyu kay Mina na napakamot-ulo na lamang.

"Guys, Si Chaeyoung talaga yung bigatin ngayon. Sino ba namang mag-aakala na mahusay pala 'to sa arts? Napakasakit na artist na ngayon." Sambit naman ni Jeongyeon sabay tapik sa balikat ni Chaeyoung.

Nahanap naman ni Chaeyoung ang passion niya sa pagiging isang talentado at mahusay na artists. Ang gaganda ng mga artworks niya. Sabihin na nating ipinagpatuloy niya ang pagmamahal niya sa arts simula noong i-drawing niya si Mina habang nagba-ballet ito.

"Nahiya naman ako sa sariling gym niyo ni Nayeon. Kwentong barbero ka, Jeongyeon. Hahaha." Natatawang sabi ni Chaeyoung kay Jeongyeon na agad namang nag-peace sign sa kanya.

Samantalang may sarili na ngayong gym sila nila Nayeon at Jeongyeon. Health is wealth ata talaga para sa dalawang 'to. Parang kailan lang pajogging-jogging lang sila, ngayon may sarili nadin silang business.

"Sa lahat ng nandito, si Sana talaga ang pinakayayamanin ngayon." Agad na sabi ni Nayeon kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bakit ako?" Gulat na tanong ko.

"Mas naging successful ang flower farm niyo ni Dahyun. Tapos may isa ka pang katangi-tanging kayamanan, yung anak niyo." Paliwanag ni Nayeon dahilan para matigilan ako.

"Ah. Ga ---Ganun ba? Hindi naman talaga sakin 'yon. Initutuloy ko lang ang mga pinaghirapan ni Dahyun. Excuse me. Lalabas muna ako para magpahangin." Sagot ko sa kanila bago tuluyang lumabas para maupo sa isang bench.

Huminga ako nang malalim. Ang dami na talagang nagbago sa paligid ko. Isang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Isang taon na pala akong umaasa na babalik pa rin siya.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon