Dahyun's Pov :
"Moiraaa!" Malakas na pagsigaw ni Kyulkyung.
"Kyul ---Kyulkyung." Habol-hiningang sabi ni Moira nang tumakbo si Kyulkyung sa tabi niya.
"Ama! Anong ginawa niyo?!" Lumiligid-luhang sigaw ni Kyulkyung sabay lingon sa ama na may ngisi sa kanyang labi.
"Karapat-dapat na parusahan ang mga traydor!" Sigaw ng kanyang ama.
"A ---Ayos lang ako, Kyulkyung. Sa wakas, mapagbabayaran ko na ang lahat ng kasalanan ko." Lumuluhang sabi ni Moira.
"Lumaban ka, Moira. Pa ---Pakiusap."
"Traydor ako, Kyulkyung."
"Hindi, Moira. Hindi pwedeng mawala ka. Pa ---Paano na ako?" Nasasaktang sabi ni Kyulkyung.
"Gus ---Gusto parin kita."
"Moira, Gusto rin kita." Emosyonal na pag-amin ni Kyulkyung dahilan para mapangiti si Moira sa huling pagkakataon.
"Sa wakas, inamin mo rin." At tuluyan nang pumikit ang mga mata ni Moira.
"Ba ---Bakit? Bakit?!" Hindi na napigilan ni Kyulkyung na mapaluha nang sobra habang yakap-yakap ang nakahandusay na katawan ni Moira na punong-puno ng dugo.
Agad akong napaiktad mula sa pagkakahiga. Naalipungatan din naman si Sana nang dahil sakin. Pawis na pawis ako. Isang napakasamang panaginip.
"Dahyun, Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Sana.
"Ah. A ---Ayos lang naman." Hindi ako makapaniwala na mananaginip ako nang ganoon. Bakit napanaginipan ko si Moira at Kyulkyung? Panaginip lang ba 'yon o parte ng nangyari sa nakaraan? Kailangan kong malaman.
"Sigurado ka? Pinagpapawisan ka eh." Muling tanong ni Sana sabay pahid sa pawis ko sa noo. Tiningnan niya ako habang abala ako sa kakaisip nang malalim.
"Nanaginip lang ako ng masama, Sana."
"Ganun ba? Ano namang napanaginipan mo?" Tanong niya sabay yakap sakin.
"Hindi ko rin sigurado kung ano ba talagang ibig sabihin ng panaginip ko. Kailangan kong tanungin si Jihyo." Akma na sana akong babangon sa kama upang isuot ang mga saplot ko nang bigla niya akong hilahin pabalik.
"Mamaya na."
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Dito ka muna sa tabi ko." Muli niya akong niyakap. Hindi ko maiwasang mamula dahil ramdam na ramdam ko yung katawan niyang dumadampi sa balat ko.
"Sana, Kailangan ko nang umalis."
"Mamaya na." Ulit niya sabay halik sa balikat ko.
"Are you okay, Sana?" Nag-aalalang tanong ko dahil kakaiba na naman ang ikinikilos niya.
"Hindi ako okay." Naka-pout na pagkakasagot niya. Omg! Ang cute niya.
"Bakit naman?" Curious na tanong ko.
"Kasi ako 'tong nasa tabi mo. Tapos pupunta ka pa kay Jihyo. Kagatin kita diyan eh." Sabi niya habang abala sa pagcreate ng circles sa braso ko.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...