Hello. Kumusta kayo? Maaaring ito na ang huling pagkakataon na mananatili ako dito. Maaaring hindi pa ito ang huli. It's okay kahit hindi niyo basahin 'to. May gusto lang talaga akong sabihin. Wala akong mapagsabihan kaya dito ko na lang idadaan. Sobrang down na down ako ngayon.
Siguro dahil hindi ko nagawang maipasa yung major subject namin. Siguro dahil pinangunahan ako ng lungkot, takot at panghihina ng loob. May mga taong nakakakilala sakin bilang someone na puro happiness lang ang buhay. Yes, Palagi akong nakangiti but it doesn't mean na hindi ako nahihirapan. Ang tagal ko nang hindi okay. At walang nakakaalam non. Malaki sana ang chance na makapasa ako kanina kaso tuluyan na akong napagod at nawalan ng lakas ng loob.
Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako matatakot sumubok ngunit sa huli, nilamon na naman ako ng kawalan ng tiwala sa sarili. Wala na akong magagawa para itama ang mga pagkakamali ko. Kailangan kong harapin ang consequences ng mga desisyon ko. Nasa punto ko ng buhay kong pagod na ako sa lahat. Pagod na pagod na ako.
Gusto ko lang sanang sabihin sa inyo na huwag niyong hahayaang makawala ang oportunidad na nadating sa buhay niyo. Kaya niyo 'yan. Maaaring nagi-struggle din kayo nang tulad sakin, wag kayong papatalo sa takot hangga't may pagkakataon kayo. Kaya niyo 'yan. Ituloy niyo lang ang laban niyo. Okay? Huwag kayong susuko.
Hindi siya ganon kadali pero kapag inunti-unti natin, magugulat ka na lamang na abot mo na ang tagumpay.
I'm sorry, Lola. I'm really really sorry. Naduwag na naman ako. Hindi ko natupad yung sinabi ko sayong ipapasa ko 'to. Sorry din sa inyong lahat. Sana maintindihan niyo kung bakit hindi muna ako makakabalik dito sa watty. Sana makabalik ako. Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...