Jihyo's Pov :
Lubos parin akong nababahala sa mga bagay na nangyayari sa paglipas ng bawat araw. Hindi ko parin mawari kung ano ang nais ipahiwatig ng may likha.
May tinutukoy siyang bagay tungkol sa mga pangyayaring nakatadhana na mangyari ngunit hindi natutuloy dahil sa kasamaang palad.
Sinikap kong kontrolin ang sitwasyon ngunit hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap, magugulo na naman ang lahat.
Ayoko nang mabigo na naman. Ayoko nang may madamay muli dahil sa mga pagkakamali na nagawa ko sa nakaraan.
Ang tagal ko 'tong pinaghirapan. Hindi pwedeng masayang na lang ang lahat ng paghihirap ko. Sa lalong paglalim ng dilim, nanatili ako sa flower farm kung saan mas malaya akong makapag-iisip.
Pinagmasdan ko ang natatangi at magandang camellia flowers na may pagkakataong sumusulpot at naglalaho din naman kaagad. Mistulang pinipili nito kung kanina lamang siya magpapakita.
"Hindi ko sinasadyang biguin ka. Isang pagkakamali na tinalikuran kita nang ganon-ganon na lamang. Gustuhin ko mang ibalik ka sa piling ko, hindi ko magawa." Emosyonal na pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang magandang camellia flowers. Hindi ko napigilang alalahanin ang nakaraang pilit kong itinatama.
Hindi ko makakalimutan ang una naming pagkikita ng taong bumihag sa aking puso. Ang isang fairy queen na katulad ko ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan. Ngunit anong ginawa ko? Naging iresponsable ako.
Tandang-tanda ko pa ang pagkukrus ng mundo namin sa isang kagubatan na pinangangalagaan ko noon.
"Habulin siya!" Rinig kong sigaw ng mga taong halata namang may galit sa tono ng pananalita nila.
Abala ako noon sa paglilibot nang maabutan ko ang pagtakbo ng isang lalaki. Napagtanto kong hinahabol siya ng ilan pang kalalakihan na may mga dalang armas.
"Bilisan niyo ang paghabol sa lalaking 'yon. Makikita niyan ang leksyon na para sa kanya!" Inis na sabi ng isa sa mga kalalakihan na humahabol sa lalaking tumatakas mula sa kanila.
Ang lakas ng loob nilang manghimasok sa kagubatan na 'to. Dapat sa kanila natuturuan ng leksyon. Mga mapangahas na nilalang. Minatyagan ko pa ang nangyayari sa paligid.
"Bilis! Bilis! Bilis!" Sabi ng lalaking tumatakas sa kanyang sarili. Tumatawa-tawa pa siya habang nagmamadaling tumakbo.
Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo niya, bigla siyang nadapa dahilan para maabutan siya ng mga lalaking nanggigigil na sa kanya.
"Sa tingin mo, saan ka pupunta?!" Agad siyang sinuntok ng isang lalaki dahilan para mapainda siya sa sakit.
"Wa ---Wala naman kasi talaga akong kasalanan sa inyo. Kasalanan ko bang natalo ko kayo sa dwelo kanina sa pamahalaan?" Paliwanag ng lalaking pinagtutulungan nila.
Imbes na makigulo sa kanila, minabuti kong pagmatyagan na lang muna sila dahil hindi tama na makisali sa alitan ng mga tao.
"Napakayabang mo. Dapat sayo tinuturuan ng leksyon. Eto ang sayo!" Bigla siyang pinagtulungan ng mga lalaki. Agad namang lumaban ang kaawa-awang lalaki. Pero dahil mas marami ang kalaban niya, wala siyang nagawa kundi bumagsak nang bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...