37 : Laro

557 27 41
                                    

Dahyun's Pov:

"Boss." Tawag sakin ni Chaeyoung nang akma na akong paalis para puntahan si Sana.

"Ano 'yun?"

"Goodluck." Nakangiting sagot niya.

"Para saan?"

"Para sa date niyo ni Sana."

"Date? Hindi date 'yon, Chaeyoung. Nagpapasama lang talaga ang baliw na 'yon." Depensa ko.

"Mukhang may regalo ka para sa kanya ah."

"Alin? Eto bang bag na dala ko? Ibinili ko ng dress kahapon si Sana. Alam mo na --- para mukhang tao siya mamaya kapag isinama ko siya sa bahay-ampunan." Paliwanag ko.

"Yun ba ang tunay na dahilan o gawa-gawa mo lang 'yan para hindi namin isipin na talagang gusto mo siyang bilhan ng dress?" Nakangising tanong ni Chaeyoung.

"Chaeyoung, parang gusto kitang bigyan ng napakadaming gawain para mawalan ka ng time para kay Mina." Panimulang banta ko sa kanya upang tumigil na siya.

"Nako. Sabi ko nga, Boss. Tama 'yang naisip mo. Para talaga hindi ka mapahiya sa mga tao sa bahay-ampunan. Good 'yan, Boss. Paano? Tawagan ko lang sa phone si Mina ah. Bye!" Agad na kumaripas ng layo si Chaeyoung sakin kaya naman napailing na lang ako.

Tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Chaeyoung para sa Mina na 'yon. Tsk. Napakarupok talaga ng batang 'yon. Minabuti kong sumakay na ng kotse upang umalis nang saktong mapadaan sila Nayeon at Jeongyeon sa mansion.

"Goodluck sa date, Dahyun." Masayang sabi nila sakin kaya naman napakamot-ulo ako.

"Hindi 'yun date!" Sigaw ko sa kanila na agad ring umalis para ituloy ang pagjajogging nila. Bakit ba kasi iniisip ng lahat na sa tuwing magkasama kami ni Sana ay nagde-date kami? Nakakaasar.

N

ang makarating ako sa labas ng apartment nila Sana, bumusina na ako't lumabas ng kotse. Maya-maya, sinalubong ako ni Momo.

"Nakabili ka ng dress para sa kanya?" Tanong agad ni Momo.

"Oo. Pakiabot na lang sa kan ---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinila na agad ako ni Momo paakyat ng hagdan.

"Ikaw na ang magbigay sa kanya niyan. Kumatok ka lang sa pinto ng kwarto niya. Goodluck." Mabilis na sabi ni Momo sabay baba na sa hagdan.

Ano pa bang magagawa ko? Nandito na ako. Nang maibigay ko na sa kanya ang dress. Bumaba na ako para maupo muna sa sofa.

"Kumusta? Anong sabi niya?" Tanong kaagad ni Momo.

"Uhm. Okay lang naman."

"Nagustuhan niya yung dress?"

"Hindi ko alam. Wala naman akong pakialam kung magustuhan niya o hindi." Cold na pagkakasagot ko.

"Asus! Talaga ba? Parang kahapon iniisip mo pa kung maganda yung dress na mabibili mo para sa kanya. Sabi mo pa nga maganda siya kaya dapat maganda din yung dress na isusuo ---"

"Hoy! Huwag ka ngang maingay. Mamaya marinig ka ni Sana. Isipin talaga non na sinabi ko 'yan."

"Sinabi mo naman talaga 'yon kahapon."

"Aish. Shut up, Momo!" Saway ko sa kanya.

"Bakit ako tatahimik? Pamamahay namin 'to. Sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Isa pa, huwag ka ngang masyadong cold sa ka-date mo." Dagdag pa niya dahilan para mapakunot-noo ako.

It's You [SaiDa Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon