A/N: Panoorin niyo muna yung vid sa taas. Lol
Dahyun's Pov:
"Lumayo ka sakin!" Sigaw ng babaeng inituturing kong kasangga sa hirap at ginhawa. Tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap ang bangkay na nakahilata sa harapan ko.
"Hayaan mo kong magpaliwanag." Nanginginig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan siyang magluksa sa harapan ko.
"Huwag kang lalapit!" Sigaw niya dahilan para magsimula nang mamuo ang luha sa aking mata.
"Pakiusap." Napatungo na lamang ako bago tuluyang bumagsak ang luha mula sa aking mata.
"Halimaw ka!" Sa pagkakalingon ko sa kanya, nanlaki ang aking mata. Pinulot niya mula sa sahig ang espadang kanina'y hawak ko.
"Kyul---" Ni hindi ko nagawang ituloy ang pagbanggit sa pangalan niya dahil hindi siya nagdalawang-isip na itutok sa leeg ko ang espadang hawak niya.
"Kinasusuklaman kita!" Sa mabilis na segundo, ipinikit ko na lamang ang mata ko upang tanggapin ang katapusang handog niya sakin.
Nang imulat ko ang aking mata, kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Agad akong bumangon matapos huminga nang malalim.
"Isang masamang panaginip na naman." Palaging ganito ang nangyayari sakin. Sa kadalasang mangyari, nasanay na ako.
Bumangon na ako't kumuha ng maiinom sa kusina.
"Miss Kim." Naibuga ko ang iniinom kong tubig nang biglang sumulpot si Chaeyoung.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Diba po may lakad kayo ngayon. Handa na po ang kotse."
"Lakad?"
"Yung mga bata po sa bahay-ampunan. Diba po ngayong araw ulit kayo bibisita sa kanila?" Oo nga pala. Nawala sa isip ko dahil sa dami ng bumabagabag sa utak ko.
"Sige na. Hintayin mo na lang ako sa kotse. Mag-aayos lang ako." Tumango na lamang si Chaeyoung sakin bago tuluyang umalis para hayaan akong ituloy ang ginagawa ko.
Matapos makapag-ayos ng sarili, dumiretsyo muna ako sa library room ng mansion kong ito. Panibagong araw ng pagbisita ko sa mga bata sa bahay-ampunan. May bagong kwento akong babasahin sa kanila mamaya.
Matapos makuha ang libro, pinuntahan ko na si Chaeyoung upang makaalis na kami.
"Let's go. Bilisan mo ang pagmamaneho para hindi tayo ma-late." Sambit ko sa kanya dahilan para agad na kumilos si Chaeyoung. Sa kalagitnaan ng pagbiyahe namin, nakaramdam ako ng kakaiba.
Sandali akong napatingin kay Chaeyoung na mukhang abala sa pagmamaneho nang mabilis kaya't hindi niya napansin na may isang babaeng patawid sa kalsada. Nanatili akong walang imik dahil hindi ko naman kaano-ano ang babaeng 'yon.
Ngunit nang halos konti na lamang ang distansya niya mula sa paparating naming kotse, nagdesisyon na kong gumawa ng paraan upang hindi na maabala ang pagmamadali ko.
"Stop." Biglang napahinto si Chaeyoung sa pagmamaneho nang magsalita ako bago pa man niya tuluyang mabangga ang babaeng patawid sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...