Sa paglipas ng ilang araw, hindi nawala sa isipan ni Kyulkyung na maghintay sa muling pagbabalik ng minamahal na si Dahyun sa kanyang piling.
Isang araw, dalawang araw, umabot pa ng tatlo. Halos araw-araw siyang nagbabakasakaling muling masisilayan ang ngiti ng pinakamamahal.
"Prinsesa." Agad na lumapit si Sharon kay Kyulkyung na tahimik lamang na nakaupo sa hardin ng pamahalaan. Nagbabakasaling masisilayang muli ang pagbabalik ni Dahyun sa tulong ni Moira.
"Gusto kong mapag-isa." Seryosong sabi niya kay Sharon.
"Pero kabilin-bilinan po ng Pinuno na huwag kayong iwanang mag-isa. Kailangan na po nating umal ---"
"Pwede ba, Sharon? Huwag ka ngang umasta na para bang pwede mo kong utus-utusan dahil lamang ikaw ang palaging pinagbibilinan ng aking ama na bantayan ako." Tumingin siya nang masama kay Sharon na napayuko lamang.
"Pasensya na po, Prinsesa. Sumusunod lamang po ako sa utos ng inyong ama."
"Kailan mo susundin ang utos ko? Sakin ka naglilingkod. Ako dapat yung sinusunod mo."
"Prinsesa."
"Alam mo bang pagod na pagod na akong marinig ang mga pinagsasasabi mo?"
"Nag-alala lang po ko na baka mapaano kayo dito. Wala po kayong kasamang magbabantay sa inyo."
"Kaya ko ang sarili ko. Ano ba?!"
"Pero ---"
"Umalis ka sa harapan ko. Mauna ka nang umalis."
"Hindi po ko aalis nang hindi kayo kasama."
"Talaga namang matigas ang ulo mo? Gusto mo pa bang umabot 'to sa malaking gulo? Hihintayin mo pa ba na hindi ko mapigilan ang sarili ko? Nanaisin mo pang masaktan kita dahil diyan sa katigasan ng ulo mo?!"
"Nakahanda po akong masaktan, Prinsesa. Handa kong ialay ang aking buhay para sa inyo."
"Pwede ba? Huwag kang magsalita na parang may pakialam ka sakin dahil sa totoo, wala naman talagang may pakialam sakin dito. Wala kayong ibang hinangad kundi kapangyarihan, karangyaan at kayamanan!"
"Pakiusap, Bumalik na po tayo."
"Akala mo hindi ko alam? Ginagawa mo lang 'to dahil may utang na loob ka sa pamilya namin. Oo, kinupkop ka ng aking ama noong bata ka pa lamang. Pinag-aral ka't hinayaang makapaglingkod sa pamahalaan. Parang nakatatandang kapatid na nga ang asta mo sakin kung minsan diba. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, tagapaglingkod ka lang sa mga mata ko."
"Bakit ba ang sama ng ugali mo?!" Natigilan si Kyulkyung nang biglang tumaas ang boses ni Sharon na tila wala na ang paggalang kanina na meron para sa kanya.
"Anong sinabi mo?!"
"Sige na. Inaamin ko nang napapagod na rin ako sa ugaling ipinapakita mo. Hindi mo nakikita yung pagpapahalaga sayo ng mga taong nasa paligid mo. Palaging pansariling kagustuhan lang ang iniisip mo. Maaaring ikaw ang prinsesa ng pamahalaang ito pero mas matanda pa rin ako sayo. Kailangan mo pa ring rumespeto sa mas matanda sayo." Matapang na sagot ni Sharon kay Kyulkyung.
"Ang kapal ng mukha mong pagsabihan ako nang ganyan. Kita mo? Sa wakas, lumabas din ang tunay na ugali mo. Aminin mo na. Napipilitan ka lang na bantayan ako. Tulad ka lang din ng iba na nagpapasakop sa kayamanan at perang ibinibigay ni Ama. Wala kayong pakialam sakin." Tuluyan nang namuo ang luha sa mata ni Kyulkyung dahil sa pag-iisip na lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay kapangyarihan lamang ang hangad.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...