Nagmadaling umalis sa kampo sina Anna at Sharon sakay ng dalawang kabayo. Naiwang walang kaalam-alam sa kanilang paglisan ang ibang kababaihan sa kampo.
Sa pagmamadali, buo ang loob ni Anna sa kagustuhang mailigtas ang kanyang mga mahal sa buhay kahit na buhay niya pa ang kapalit.
Kahit na nakararamdam ng kaba para sa kaligtasan ng kanyang dinadala, minabuti ni Anna na lakasan ang kanyang loob. Hindi niya pwedeng pabayaan na lamang na masaktan ang ama ng kanyang dinadala.
Sa kabilang banda, sobra rin ang pag-aalala ni Sharon sa mga bagay na maaaring mangyari. Ni wala pa rin siyang kaalam-alam sa kung ano ba ang kalagayan ng kanyang kapatid na si Kyulkyung sa Pamahalaan.
Ni hindi rin niya alam kung anong magiging reaksyon ni Tatang Jinyoung sa ginawa nilang pagsuway sa bilin nito bago tuluyang umalis.
Nais man niyang manatili sa kampo bilang pagsunod sa bilin ni Tatang Jinyoung, may pakiramdam siya na kailangang may gawin siya.
Malaki ang tiwala nila Tatang Jinyoung na magagawa niyang ayusin ang lahat kaya hindi siya pwedeng basta maupo na lamang at hayaang maubos nang tuluyan ang mga inosenteng tao na maaaring mapasama sa nasasakupan niya kung sakaling magawa nga niyang tapusin ang kasamaan ng kanyang ama.
Sa paglipas ng oras, mas bumilis pa ang pagtakbo ng kanilang sinasakyang kabayo. At nang matanaw na nila ang ilan sa mga rebelde at sundalong nagkakagulo, nagkatinginan silang dalawa.
Hindi mawari ni Anna kung bakit hindi niya matanawan ang kanyang ama. Tila nanlambot si Sharon nang makita kung paano unti-unting maubos ang mga rebeldeng lumalaban para sa kapayapaan.
"Tama na!" Nakatikhom kamaong sabi ni Sharon sabay baba na sa kabayong sinasakyan bago tuluyang ihanda ang espadang hawak niya.
Muli silang nagkatinginan ni Anna.
"Mag-iingat ka, Anna. Susubukan kong hanapin si Tatang Jinyoung. Aalamin ko rin kung nandito si Ama at Kyulkyung." Seryosong sabi ni Sharon kaya tumango na lamang si Anna bago ihanda ang espada niya.
At sa sandaling 'yon, natanawan ni Anna si Dahyun na abala pa rin sa pakikipaglaban. Agad rin silang nagsimula sa pakikipaglaban.
Hindi porke't babae ay wala nang kakayahan na ipagtanggol ang sarili o hindi kayang gawin ang ninanais ng puso nito. Hindi porke't babae ay mahina.
Sa pakikipagsagupaan ni Sharon sa mga kalabang sundalo, natanawan niya ang isang matandang nakahandusay sa sahig katabi ng ilan pang bangkay.
Parang naestatwa siya sa kinatatayuan nang makumpirmang si Tatang Jinyoung nga ang kanyang nakita.
"Hi ---Hindi pwede." Hindi makapaniwala si Sharon na maaabutan nilang wala nang buhay ang ama ni Anna na siyang nagparamdam sa kanya na may naniniwala pa sa kanyang kakayahan.
Lumingon siya sa magulong paligid hanggang sa natunton niya ang kinaroroonan ni Anna. Nang mapalingon si Anna sa kanya, agad itong nagtatakbo palapit. Kitang-kita ni Sharon kung paano pumatak nang kusa ang luha ni Anna sa katotohanang wala na ang kanyang ama.
Dahil hindi niya dala ang kanyang papel at pluma, hindi niya maihayag ang nais sabihin. Nakaramdam ng sobrang pagkalungkot si Sharon. Isa ito sa pinakamasakit na bagay na nasaksihan niya. Tila nagdilim ang kanyang paningin nang maisip kung gaano na katindi ang mga ginagawa ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
It's You [SaiDa Fanfic]
Fanfiction𝐾𝑖𝑚 𝐷𝑎ℎ𝑦𝑢𝑛 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑓𝑜𝑟 𝑎 𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑚𝑒. 𝑆𝑜𝑚𝑒 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑖𝑛𝑡𝑜 ℎ𝑒𝑟 𝑙𝑖𝑓𝑒 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 ℎ𝑒𝑟 𝑎𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑜𝑚𝑒𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑤𝑜𝑢𝑙𝑑 𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑎𝑛...